BM-800 Condenser Microphone Review - After 2 Years kong ginagamit professionally, kamusta naman?

Описание к видео BM-800 Condenser Microphone Review - After 2 Years kong ginagamit professionally, kamusta naman?

Salamat ulit sa pagtambay brader! medyo mahaba description natin ngayon kaya baka gusto mong basahin.

Mabilisang sagot sa tanong na "Ok ba ang BM800?"

OO, OKAY SIYA BRADER! (Pros)

Kung hindi acoustically treated yung kwarto mo at kailangan mo ng condenser mic na mura, swabe siya

Bang for your buck pag dating sa quality vs price.

Matibay - pwede mong ipang-hampas sa kaaway mo. Akala ko noon 6 months lang siya tatagal sakin. Dalawang taon na di ko pa rin pinapalitan

HINDI BRADER, BASURA 'TONG MIC NA TO (Cons)

Hindi BOBO-Proof - pag wala kang alam sa recording basics, magtutunog tae ka.

Kulang siya sa mid-hi frequency detail at may tendency na maging muddy. Kailangang ilayo yung mic sa singer kung hindi magtutunog dynamic mic. (unless yun ang habol mong tunog)

Ang hirap ihalo sa mix. pag inangat mo yung mid-hi freq. sumasama yung noise at kailangang ideesser kasi peyborit niya yung letter S kahit may pop filter at windscreen na

nangangalawang siya. hindi ako sure kung anong material nung capsule pero sana hindi nangangalawang yung capsule nung diaphragm niya. malalaman natin after another 2 years.

masyadong mura - may bad rep na pag nakitaan ka ng bm800 ang dating sa client "hindi ka professional". hayup na mga kliyente yan kala mo naman 6 figures magbayad magrereklamo pa pamasahe ko nga di mo binayaran eh. Bakit pag nag-upgrade ba ako ng gamit tapos nagtaas ako ng presyo may pambayad ka pa rin ba sakin?

May Facebook Page po ako, baka naman gusto niyong i-like. nagiisip pa ako ng ippost pero baka magstart ako magpost soon.
  / pauloesteromusic  

support niyo naman mga tropa natin sa Chinita Phenomenon! ang tagal naming natapos yung EP nila magdadalawang taon na di pa rin nila nirerelese yung EP nila.

Spotify:
https://open.spotify.com/artist/461Di...

Facebook:
  / chinitaphenomenon  

Youtube:
   / @chinitaphenomenon1872  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке