Matutunan ang mga panuntunan sa board game Ahedres nang mabilis at maigsi - Walang mga distraksyon ang video na ito, mga panuntunan lang.
To watch in English, chech out this video: • How to play Chess (2024 rules)
Maglaro ng chess online nang libre dito:
https://link.triplesgames.com/Play-Ch...
(Bilang isang affiliate ng chess.com kumikita kami mula sa mga kwalipikadong subscription)
Hindi pa nagmamay-ari ng laro? Bilhin ito dito:
amazon.com - https://amzn.to/2RMQwtO
amazon.ca - https://amzn.to/3gCiKDV
amazon.uk - https://amzn.to/3Gi02iG
amazon.es - https://amzn.to/3MiurhD
amazon.de - https://amzn.to/3MkqskD
amazon.fr - https://amzn.to/3MenpKR
amazon.it - https://amzn.to/3MeB6JR
amazon.nl - https://amzn.to/3Cl9D4s
amazon.se - https://amzn.to/3MiuoSZ
amazon.pl - https://amzn.to/3RMHFV8
amazon.com.br - https://amzn.to/3VeYoU6
amazon.sg - https://amzn.to/3HAqZya
amazon.au - https://amzn.to/3HzmvI7
amazon.co.jp - https://amzn.to/3XH24yE
(Bilang isang Amazon Affiliate, kumikita ako mula sa mga kwalipikadong pagbili)
Mga Panuntunan:
Ahedres. Paano laruin. Ang layunin ng larong ito ay ang (icheckmate) ang kabilang hari. Ang pag (checkmate) ay nangyayari kapag ang hari ay nasa posisyon na maari siyang makain at hindi niya matakasan ang pagkakahuli sakanya. Maglatag ng 8x8 na checkered na tabla sa pagitan ng dalawang manlalaro, at iyung matingkad na kulay na espasyo ay nasa bandang kanang ibaba. Ayusin at ilagay ang mga puting kawal sa ikalawang hilera. Sa unang hilera, iayus mula sa kaliwa pakanan: tore, kabalyero, obispo, reyna, hari, obispo, kabalyero, tore. Sa kabilang dako ng tabla, gayahin ang position gamit ang mga itim na piyesa. Ang bawat manlalaro ay mamimili ng kulay at ang manlalaro na gumagamit ng puti ay ang siyang unang kikilos, at mag hahalinhinan ng galaw. Pag oras mo ng kumilos ay kailangan mong igalaw ang isang piyesa mo na nasa tabla, kahit na ayaw mo. Ang bawat piyesa ay hindi pwedeng mag hati sa isang espasyo, bagamat, maaari mong igalaw ang iyong piyesa sa parehong espasyo ng piyesa ng kalaban sa pamamagitan ng pag kain ng piyesang iyun at alisin iyun sa tabla. Ang mga piyesa ay makaka kain ng unang kalabang piyesa na madadaanan niya at titigil gumalaw, maliban sa kabalyero, ang mga piyesa ay hindi maaaring tumagos sa kahit na anu mang ibang piyesa. Ang reyna ay maaaring gumalaw kahit gaano karaming espasyo sa diretsong linya sa kahit na anong direksyon.
Ang tore ay maaaring gumalaw ng kahit ilang espasyo pahalang o patayo.
Ang obispo ay maaaring gumalaw ng kahit ilang espasyo nang pahilis.
Ang kabalyero ay tumatalon ng dalawang espasyo na maaaring pahalang o patayo, at isang espasyo sa tamang anggulo na makakabuo ito ng letrang "L".
Ang kabalyero lamang ang bukod tanging piyesa na maaaring lumagpas sa ibang mga piyesa. Ang mga kawal ay maaari lamang gumalaw ng isang espasyo paharap, pa abante patungo sa panig ng kalaban, ngunit maaari lamang ito kumain ng isang espasyo pahilis na paabante. Ang kawal ay hindi maaaring kumain ng piyesa na nasa mismong harapan nito at di rin ito pwedeng umabante ng pahilis. Ang unang galaw ng bawat kawal ay pinapayagang magkaroon ng (double step move), na pinahihintulutan itong gumalaw ng dalawang espasyo paabante sa halip ng isa kung iyong nanaisin. Bagamat, kung ang kawal ay gumamit ng (double step move), at sa galaw na ito ay nalampasan ang espasyo na kung saan ang kawal ng kalaban ay maaaring kinain ang kawal kung sana ay isang espasyo lang ang ginalawan. Maaaring isagawa ng katunggali ang "En Passant" sa mismong susunod na galaw at gumalaw patungo sa nalagpasang espasyo upang makain ang kawal na gumamit ng (double step) sa tabla. Ang En Passant ay maaari lamang gawin sa mismong susunod na galaw, hindi ito maaaring ireserba, tanging kawal lamang ang maaaring gumamit ng En passant. Pag umabot ang kawal sa pinaka dulong hilera ng tabla, tataas ang ranko nito alinman sa kabalyero, obispo, tore, o reyna; ang may ari ng piyesa ang siyang mag papasya kung aling rangko ito tataas. Ang pagpili ay hindi limitado sa mga naunang nakain na piyesa. Alisin ang kawal sa tabla at ipalit ang rangkong napili. Ang kilos nang na promote na piyesa ay ang normal na kilos niya. Walang limitasyon ang bilang na piyesa na pwede mong ipromote, maliban nalang kung naubos na ang mga kawal mo. Ang hari ay maaaring gumalaw ng isang espasyo sa kahit na anong direksyon, ngunit hindi ito pwedeng pumunta sa espasyo na kung saan maaari siyang makain ng piyesa ng kalaban. Ang hari ay maaaring gumamit ng espesyal na galaw na tinatawag na "castling". Upang makapag "castle", igalaw mo ang iyong hari ng dalawang espasyo palapit sa alinmang tore, at itabi ang tore sa kabilang gilid ng hari. Dapat ito ang pinaka unang galaw ng hari. At dapat ay ito din ang pinaka unang kilos ng tore. At dapat ay walang anumang piyesa ang naka harang sa pagitan ng hari at tore...
Информация по комментариям в разработке