Sukdulang Biyaya - Paul Armesin (+ story behind the song)

Описание к видео Sukdulang Biyaya - Paul Armesin (+ story behind the song)

Isang dekada na ang nagdaan mula ng isinulat ko 'to pero noon ko pa iniisip na parang may kulang. Matagal ko nang napapansin na kulang ng second verse ang lyrics. Para kasing hindi ko masyadong nadiin yung original na konsepto/idea.

Salamat sa Diyos at 10 years later ay nagawa ko itong version na 'to. Marami din kasi ang "negrereklamo" sa akin na mahirap tugtugin yung original na version. Kumplikado yung akorde at bagsakan para sa ordinaryong church musician.

Ang goal ko po dito ay pasimplehin ang musika at i-highlight ang mensahe ng biyaya ng kaligtasan na dulot ng pagkamatay ng ating Panginoong Hesus.


SUKDULANG BIYAYA
Lyrics and music by Paul Armesin

Habang hindi karapat dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
na suklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa

Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng ‘di kayang tumbasan

O Diyos ng katarungan at katuwiran
na kahit minsa’y ‘di nabahiran
ang kabanala’t kaluwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
O Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo

Ang walang salang Manunubos
ang umako ng parusang nararapat sa 'kin
Anong habag sa tulad ko'y igawad ang Iyong katuwiran
at ako'y patawarin

Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako ng ‘di kayang tumbasan...

#Musikatha #classic #original
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Like and follow Psalmo Music
https://fb.com/psalmomusicph​
   / psalmomusic​  
  / psalmomusic  

Listen on Spotify
Tuloy Ang Awit - Paul Armesin
https://open.spotify.com/album/6nCLRK...

LYRICS w/CHORDS-https://drive.google.com/file/d/1dvkA...
CHORDS - https://drive.google.com/file/d/1C8QG...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке