Apat na Dekada ng Pagsamba - Official Lyrics Video (40th Year Anniversary Theme Song)

Описание к видео Apat na Dekada ng Pagsamba - Official Lyrics Video (40th Year Anniversary Theme Song)

APAT NA DEKADA NG PAGSAMBA
Singer : Royet Casillano
Arrange, Mix and Mastered by: Rey America

APATNAPUNG TAON NA ANG LUMIPAS
MULA NG 'YONG TAWAGIN
ANG AMING PUNONG LINGKOD
UPANG SA'YO AY SUMUNOD

ANG 'YONG MGA SALITANG
ITINANIM SA KANYANG PUSO
NANG IPAHAYAG SA MADLA
DUMALOY ANG 'YONG MGA HIMALA

PRE KORO:
AT NGAYON KAMI AY NAGKAKATIPON
MULA SA IBA'T IBANG BAYAN AT NAYON
ISANG PAMILYANG INYONG PINAGPALA
SAMA-SAMANG SA'YO AY SASAMBA

KORO:
APAT NA DEKADA NG PAGKAKAISA
AT PASASALAMAT SA'YO AMA
SA KAHANGA-HANGA MONG GAWA
AT PAG-IBIG NA KAY DAKILA
APAT NA DEKADA NG PAGPUPUGAY
SA NGALAN MO YAHWEH EL SHADDAI
MAGPUPURI SA'YO NG WALANG HUMPAY
ANG PAMILYA PINAGTAGUMPAY

KAY RAMING BUHAY ANG NABAGO
AT TAHANANG NABUO
PINAGPALA MO'T PINALAYA AT
BINUONG ISANG PAMILYA

NGAYON AY NAGSA SAMA-SAMA
SA PRESENSYA MO AMING AMA
DALA AY PASASALAMAT AT
PAGSAMBANG NARARAPAT

(ULITIN PRE-KORO AT KORO)

TULAY:
ANG BAWAT KULAY NG BAHAGHARI
NAGLALARAWAN SA'YO AMING HARI
SA PAGKAKAISA'T PAG-IBIG PANANALIG
ISISIGAW ANG PAPURING WALANG PATID

(ULITIN KORO)

Комментарии

Информация по комментариям в разработке