Tagalog Dubbed Movie | "Mga Alaala ng Aking Kabataan" | Faith Testimony of a 20-Year-Old Christian

Описание к видео Tagalog Dubbed Movie | "Mga Alaala ng Aking Kabataan" | Faith Testimony of a 20-Year-Old Christian

Kapag dumaranas ng mga paghihirap o kahirapan, paano natin mapapalakas ang ating pananampalataya sa Diyos? Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. https://shurl.me/TLMessenger

Tagalog Dubbed Movie | "Mga Alaala ng Aking Kabataan" | Faith Testimony of a 20-Year-Old Christian

Si Zhao Xinliang ay nananalig na sa Diyos kasama ng kanyang mga magulang magmula pa noong bata siya. Tapos noong Mayo 2014, sa edad na 20 taong gulang lang, inaresto siya ng mga pulis habang nasa isang pagtitipon at dinala siya para i-brainwash sa isang sentro ng pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon. Ginamit ng mga pulis ang lahat ng uri ng pamamaraan sa pagpapahirap sa pagtatangkang pilitin siyang traydurin ang iglesia, kasama na rito ang pagpaso sa kanyang mga utong at sa ibabang bahagi ng katawan niya gamit ang may sinding mga sigarilyo, at pagsasaboy ng apat na takure ng kumukulong tubig sa buong katawan niya at sa kanyang ari, na iniwan siyang punung-puno ng kapwa maliliit at malalaking paltos ng dugo at ang kanyang balat ay kakila-kilabot tingnan. Sa kanyang paghihirap, nagsimula si Zhao Xinliang na hilingin na mamatay na siya, pero sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, nanumbalik ang pananampalataya niya at nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpatuloy, lubos na determinadong tumayong saksi para sa Diyos. Bago pa man gumaling ang kanyang balat, nagpatuloy ang mga gurong nangbe-brainwash sa kanilang walang-tigil na pagtatangkang i-brainwash siya, at salitan silang nagtrabaho. Samantala, palagian siyang pinagbabantaan at tinatakot ng mga pulis, sinusubukan na pilitin siyang itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Sa harap ng brutal na pang-uusig na ito ng pulisya ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga gurong nangbe-brainwash, magagawa ba ni Zhao Xinliang na tumayong saksi sa huli? Panoorin ang Mga Alaala ng Aking Kabataan para malaman.

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке