Umasa Ka sa Diyos

Описание к видео Umasa Ka sa Diyos

Chorus:

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.

1. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
Pag nagtiwala’y tutulungan kang ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling tapat. (Chorus)

2. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,
Maging matiyagang maghintay sa kanya;
H’wag mong kaiingitan ang gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man sila. (Chorus)

Ending: At pangarap mo ay...
at pangarap mo ay..makakamtan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке