LOLITA CARBON AND PIO: Himig ng Pag-ibig LIVE (NEW VERSION)

Описание к видео LOLITA CARBON AND PIO: Himig ng Pag-ibig LIVE (NEW VERSION)

It's another folk-rock classic here on Live at Amerasian featuring Lolita Carbon's memorable song "Himig Ng Pag-ibig". She shares the stage with talented rap artist Pio.

SUBSCRIBE NOW FOR MORE EXCLUSIVE VIDEOS!
http://www.youtube.com/subscription_c...

Sing along because we prepared the lyrics for you:

Ito ang awit ng pag-ibig
Ikaw ay makiniig sa tinig
Pagmamahalang abot langit
Kasing saya ng ibong humihimig
Nagmamahalang tunay
May buhay na makulay
Pangako sa isa't isa'y kahit na kailan pa ma'y
Hindi na maghihiwalay

Refrain 1:
Sa pagsapit ng dilim, ako'y maghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagkat ako'y nababalisa, kung 'di ka kapiling
Bawat sandali mahalaga sa akin

Mahal kong sinta, kumusta ka na?
Ako'y may kaba buhat nang umalis ka
Nung isang buwan ay sinulatan kita
Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo'y Wala!
Nag-aantay ang ating mga anak
Kaming lahat ay sabik sa iyong yakap
Mula nang madistino ka sa probinsya
'di ako mapakali 'pag wala ka
Naaalala mo pa ba ang
Masasaya natin na nakaraan?
'di ba't pangako mo sa akin pagtapos ng laban
Kami ay kaagad mong babalikan
Lagi mo na lang pinagtatanggol ang bayan
Matapang na humaharap sa digmaan
Pagmamahalan, 'wag matabunan
Ng mga luha ng kalungkutan
Sana'y makabalik ka ng ligtas
Yan ang laging dalangin sa taas
Alam kong may tungkulin ka sa batas
At hindi ka pwedeng basta kumalas
Gayun pa man aantayin ko pa rin
Ang iyong maagang pagdating
Hanggang sa umangat man ang araw
At maging sa pagkagat ng dilim
Mga bakal, may mainit na bala
Pagsabog ng mga granada at bomba
Yan ang mga madalas mong kasama
Laging lalakaran san man magpunta
Ang sulat ko sana'y iyong sagutin
Upang mabawasan ang kaba sa damdamin
Pagmamahal ko ay iyong baunin
At dinggin ang aking hiling

REFRAIN 2:
Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin.

Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala
Nang bigla kang dumating
Tuluyang tumulo ang aking luha
Ika'y hinatid nila sa akin
Kasama ng sulat mong aking binasa
Nung ika'y nasa aking harapan
Parang leeg ko'y nakakadena
Sa iyong sulat sinabe mo na
Mahal na mahal kita aking asawa
Pati na ang dalawang mga bata
Sila ay busugin mo sa alaga
Kung sakali man ako'y 'di palarin
At maging buhay ko ay bawiin
Laban sa rebeldeng kapwa Pinoy
Digmaan dito ay umaapoy
Lagi mo lamang na tatandaan
Pag-ibig ko sa'yo ay walang hanggan
Dadalhin hanggang sa kalangitan
'wag malungkot at ikaw ay maging matapang
At dapat handa ka sa hamon ng buhay
Nandito lang ako at nakapatnubay
Lamang at ang tangi kong mga hiling
Pangako ko lagi kang mamahalin
'yan ang iyong liham na aking nabasa
Sundalo ng buhay ko mahal kita
Pag-ibig ko sayo'y walang kapalit
Nagbalik ka ay napakasakit
Ika'y umalis sa aming nakatayo pa
Bumalik ka bakit nakahiga na
Nakabalot sa kumot na puti
Damang- dama ko ang sakit at hapdi

REFRAIN 3:
At ngayong ika'y nagbalik sa aking piling
Luhang pag-ibig kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis, hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw ilaw sa buhay natin

Tinatanong ko ang aking sarili
Bakit sa akin pa ito nangyari?
Lumuluha ang aking damdamin
Nang ako ay iyong lisanin
Ngunit pagkakataon para
Ikaw ay aking mahawakan
At habang hawak ko ang iyong kamay
Awitin ang himig nang magkasabay


REFRAIN 4:
Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Katulad din ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin...

Na-na-na-na... La-lala-la-la...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке