Para sa Bayan - Sabayang Pagbigkas | Group II

Описание к видео Para sa Bayan - Sabayang Pagbigkas | Group II

GEd 103 | THE LIFE AND WORKS OF RIZAL
MEXE - 1301


Para sa Bayan

Sa bayan ng perlas ng silanganan
Sa bawat sulok, puno ng kasaysayan
Ganda sa nayon ay palaging nasisinagan
Ngunit binabalot ng kadiliman

Umaalingasaw ang bulok na sistema
Rinig, ang kumakalam na sikmura
Pamumuhay ay hindi pantay at patas
Bayad ang hustisya, maging ang batas.

Hindi mo ba naririnig ang sigaw ng bayan?
Uhaw na sa pagbabago, ngunit kulang sa kamalayan
Kapag mahirap ka ay lalo kang maghihirap
Sa pilipinas di ka pedeng mangarap
Kahit doblehin mo pa ang iyong pagod at sikap.

Paulit ulit ng niloloko at ninanakawan
Pero paulit ulit din namang nagmamaang-maangan
Pamilya ay hindi na masuportahan
Ngunit patuloy pa rin ang pagidolo sa kasamaan

Hindi makapagsalita dahil may takip ang bibig
Sinong may gawa nito? Mga manlulupig!
Tunay ngang hindi lamang dayuhan ang kalaban
Pilipino ang magdadala sa iyo sa kamatayan.

Pamanang iniwan ay kinalimutan na ng panahon
Pangarap sa bansa ay dinala na ng alon
Katarungan at kasarinlan sa limot binaon.

Sa siglo’y dalawampu’t isa, sa bagong umaga,
Mga aral ni Rizal, diwa’y laging kasama.
Para sa kalayaan, para sa bayan
Maging boses, wag magbulag-bulagan

Sa pampanitikan at pamamahayag, siya ay nagmulat ng mga bulag
Bulag sa katotohanan, sa pang aalipin ay nagpabihag
Sa bawat pahina, pagibig ay inihayag
Pagmamahal sa bayan inihain sa hapag

Edukasyon ay isinulong
Dahil para sa kanya ito ang tulong
Sa mga pilipinong kaalaman ay kinulong
Adhikaing makabayan ay kanyang isinulong

Hindi mali na maging boses ng nahihirapan
Ang mali ay nakikita mo ng hindi tama ngunit di mo ginagawan ng paraan
Ang pakikibaka ay para sa kalayaan
Ito ay para sa sarili, sa pamilya, at para sa bayan.

Sa katarungan, siya'y lumaban ng buong tapang,
Sa kalupitan ng panahon, siya'y hindi nagpakamangmang.
Sa ating mga mata, ang kanyang diwa'y laging buhay,
Sa karapatan at katarungan, Rizal ang liwanag na winawagayway

Sa pagyakap sa ating mga ugali’t tradisyon,
Ipinapakita natin ang tunay na pagkakaisa’t aksyon.
Sa pagsalita ng wika ng mga ninuno’t ang layon,
Pinipreserba natin ang kulturang diwa’t likha na tayo'y mayroon.

Sa hirap at ginhawa, tayo'y nagsama-sama,
Laban para sa bayan, walang takot o duda.
Sa mga lansangan, sigaw natin ay pagkakaisa,
Paglaban sa katiwalian, sa tinig natin nakikita..

Siya si Rizal na nakibaka para sa kalayaan
Siya si Rizal na nagbigay linaw sa mga nahihirapan
Siya si Rizal na nagmahal sa bayan
Siya si Rizal, na namatay para sa bayan

Written by: Gilianne Velasquez and Claire Pagar

Choreographed by: Julius Dela Cruz and Kyla Aprille Acupan

Prop Masters: Zoe De Chavez, Ingrid Sanchez, Julius Dela Cruz, Yna Bianca Magbanua, Jeriza Mendeja, Raiza Cabarles

Video Edited by: Raiza Cabarles

Subtitles by: Jeriza Mendeja

Members:
Kyla Acupan
Raiza Cabarles
Alyssa Cabatay
Zoe De Chavez
Julius Dela Cruz
Alliana Maranan
Yna Magbanua
Jeriza Mendeja
Aedelbert Noble
Claire Pagar
Ingrid Sanchez
Gilianne Velasquez

Комментарии

Информация по комментариям в разработке