Panaog at Dapit | Pistang Patron 2024 | Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Agustin

Описание к видео Panaog at Dapit | Pistang Patron 2024 | Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Agustin

Ang Rito ng Dapit sa mga Imahen nina San Agustin at Santa Monica ay isinagawa isang araw bago ang pasimula ng nobenaryo para sa Dakilang Kapistahan dito sa Pandoyosesis na Dambana at Parokya ni San Agustin, lungsod ng Baliwag. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng mga gawain kaugnay ng Pistang Patron 2024.

Sa tahanan ng pamilya ng ating Hermana Mayor Papal Dame Amelita Rodriguez-Tengco, D.S.S. ay ginanap ang pagtitipon ng ika-2 ng Hapon kung saan nagkaroon ng Sayaw Pasasalamat sa Patron. Dito rin nagsimula ang Prusisyon ng Dapit, kung saan ang mga imahen nina Santa Monica ng Tagaste, San Agustin ng Hipona, at Nuestra Señora De La Consolacion Y Correa ay inihatid sa ating simbahan upang itanghal.

Viva San Agustin! Viva!

#PistangAgustino2024 #PistangApoGustin #PistangPatron2024 #DSPSA

Комментарии

Информация по комментариям в разработке