TANGGAL ANG ANGAS NG TERROR NA BOSS SA POLICE WOMAN NA PASAWAY | THE BEAST BOSS love story tagalog

Описание к видео TANGGAL ANG ANGAS NG TERROR NA BOSS SA POLICE WOMAN NA PASAWAY | THE BEAST BOSS love story tagalog

UNCUT FULL STORY TANGGAL ANG ANGAS NG TERROR NA BOSS SA POLICE WOMAN NA PASAWAY | love story tagalog

Series 1 THE BAD BOYS ONLY SISTER AND THE CEO -    • UNCUT FULLSTORY THE BAD BOYS ONLY SIS...  
Series 2 DEALING WITH THE HOT ENGINEER -    • ENGINEER, KINUYOG NG PUKYUTAN KAKAHAB...  
Series 3 THE MAN IN HER DREAMS -    • BINATA, BUMAYAD NG 1 MILLION PARA IPI...  

Written by: Maybel Abutar
Narrated by: Sasa
Edited by: Amihan

PREVIEW:
"Hey!" Kinalabit niya ang babaeng weird.

"Shhh! Huwag kang maingay, may misyon ako," sagot nito na hindi nag-abalang tingnan si Tres.

Umigting ang panga ni Tres sa ginawa nitong pambabalewala sa kaniya. Kaya muli niya itong kinalabit. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Paglapat pa lang ng daliri niya sa balikat nito, agad nitong hinawakan ang braso niya. Hinila siya nito pahiga sa likod ng puno. Napangiwi si Tres nang tumama ang likod niya sa nakausling ugat. Napaigik din siya nang pa-krus itong dumagan sa kaniya. Kaagad nitong tinakpan ang bibig niya nang magsasalita sana siya.

"Huwag ka munang magsalita, mister, nasa undercover ako ngayon. May misyon akong dapat gawin," saad nito.

Marahas namang inalis ni Tres ang kamay ng babae sa bibig niya. Itinulak niya rin ito para umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Iniisip niyang nababaliw na ang babae kaya mabilis siyang bumangon nang gumulong ito dahil sa pagtulak niya.

Bumangon din ang babae at inalis ang suot na facemask at baseball cap. Nalantad sa paningin ni Tres ang itsura ng babae. Maganda ang babae sa kabila ng walang koloreteng mukha at magulong buhok nito. Lumapit ito sa kaniya na may nanlilisik na mga mata.

"Alam mo ba ang ginawa mo, huh? Sinira mo ang misyon ko!" singhal nito kay Tres.

"Alam mo rin ba ang ginawa mo, huh? Inalog mo ang utak ko nang sipain mo ang bola patungo sa akin!" hindi nagpapatalo niyang singhal din sa babae.

"Ipapahamak ako ng bolang iyon kaya mabilis kong sinipa palayo. Hindi ko naman alam na patungo sa 'yo ang bola. Dapat umiwas ka na lang para hindi ka tinamaan!"

"So, inaamin mo talaga na ikaw ang sumipa sa bola."

"Bugok ka ba, huh? Itinanggi ko ba?"

Napikon si Tres sa babae. Hindi lang siya nito sinisigawan kun'di tinawag din siya nitong bugok na para sa kaniya ay katumbas ng salitang walang alam.

"Kilala mo ba kung sino ako, miss huh?!" gigil niyang tanong dito. Kung kailangan niyang ipakilala ang pangalan at ipaalam kung gaano kalawak ang impluwensiya ng kaniyang pamilya, gagawin niya. Mapahiya lang ang babaeng ito sa ginagawang pambabastos sa kaniya. "Ako lang naman si Tres Gabriel Lov—"

"Wala akong pakialam kung sino kang bugok ka!" putol nito sa sasabihin ni Tres. "Ang issue rito ay ang ginawa mo, hindi ang pangalan mo. Aanhin ko 'yang pangalan mo? Makakain ba 'yan, ha?"

Nadagdagan ang init ng ulo ni Tres, pero hindi na siya nakipagtalo sa babae nang makita ang palapit na unipormadong pulis. Ayaw niyang humantong sa presinto ang pagtatalo nilang dalawa.

Ano nga ba ang ginagawa ng babae doon at hindi matinag kay Tres?

Visit my Main Channel (AMIHAN STORIES) for more stories    / amihanstories  

Tags
#tagaloglovestory
#amihanstories
#tagaloginspirationallovestory

DISCLAIMER:
"All the videos, songs, images, and graphics in the video belong to their respective owners and I or this channel does NOT claim any right over them. Copyright disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for "FAIR USE" for purposes such as criticism, comments, news, reporting, teaching, scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by copyright."

All rights reserved. No part of this book/story may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without prior written permission from Amihan.

_____________________
Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon  
His beautiful music is created under CC License

Комментарии

Информация по комментариям в разработке