IMKB Ep. 37 : BAKIT ANG FLORES DE MARIA AY IPINAGDIRIWANG TUWING MAYO?

Описание к видео IMKB Ep. 37 : BAKIT ANG FLORES DE MARIA AY IPINAGDIRIWANG TUWING MAYO?

Ipinagdiriwang ang Flores de Maria tuwing buwan ng Mayo sapagkat sa buwang ito, ang mga bulaklak ay namumukadkad. Bagamat ang mga Kastila ang nagpakilala sa ating mga Pilipino ng pagdiriwang na ito, sinasabing noong ika labingtatlong siglo si Henry Suso isang mistiko ang nagpasimula ng pag aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. Gumagawa siya ng koronang bulaklak at iniaalay ito sa Birheng Maria.

Mahalaga ang buwan ng Mayo sapagat dito nag-ugat ang debosyon natin sa Mahal na Birhen. Ang debosyong ito ay lumaganap at isinulat ng isang Bulakenyong pari na si Fr. Mariano Sevilla na tubong Bulakan, Bulacan. Ang librong ito ay tinawag na "Flores de Maria". Ito ay tungkol sa isang buong buwan ng pagninilay tungkol sa Mahal na Birheng Maria kasama ang pag-aalay ng bulaklak, ang mga dalit at mga awit patungkol kay Maria.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке