MODERN BAHAY KUBO TOUR | Bahay Kubo Tour | Nipa Hut Bamboo Wooden House | Kubo house

Описание к видео MODERN BAHAY KUBO TOUR | Bahay Kubo Tour | Nipa Hut Bamboo Wooden House | Kubo house

Modern Bahay Kubo sa Isla
Hi una sa lahat marami- maraming salamat sa pag subscribe at pag view ng di maganda pagka edit ng video ng bahay kubo ko and so sorry for that baguhan lang kasi sa yt.

Dami kasi nagtatanong sa price at anu pampatay ng bokbok. Im 100% sure na nasagot ko lahat na nagtanong sa comment section but i dont know some hindi posted mga sagot ko at yan diko na alam talga c yt na may alam.

Sagutin ko dito sa description ung mostly tanong nyo po para pag di ako agad makareply may sagot na mababasa dito

Magkano nagastos ko sa bahay kubo?
✅ nung wala pang kusina as in balcony at ung tulugan lang nasa 100-150k un ay nakadepinde na sa materyales. Ngayon pinalagyan ko nang kusina at cr medyo napamahal kasi umabot sya more
Or less 650k. Dahil nasa Island kami located medyo pricey ang materiales dito so dpindi parin sa location natin ang presyuhan ng materials para makamura tayo.

Ano pang patay ng bokbok?
✅ Unang una ung amakan kelangan sunugin muna ung mga matutulis na part para medyo smooth ung pagkalagay ng varnish sa huli. So after masunog saka nilagyan ng solignum un na ang pang bokbok para dli madali anayin ung wall natin then varnish pero mas more may alam pa ang mga panday nyo kung cla tanungin about paano pagandahin at pakintabin ang sawali kasi more on specific lang ung sinabi ko dito ha about bokbok at pagsunog sa matutulis na part

✅ sa ilalim ng walling mahogany na kahoy gamit namin pati sa trusses at sahig at haligi lahat cla
Mahogany ganun parin naka solignum lahat para iwas tayo sa madali bokbokin.

✅sa kitchen naman cement walling tapos tinakpan namin ng amakan(sawali) para
Match lang sya tingnan sa harap. At sa mga curious to
Know hanggang kelan magtagal ang ganito so far ung lodging house namin gamit ang amakan ay 7yrs now makita nyo sa vlog ko super kintab parin sa loob pero sa labas kung saan maabot sa init ng araw medyo fade na ang varnish so need to revarnish pero ok parin naman ang maganda kasi mlamig sya compared sa concrete at plywood ang gamitin kaya nakaka unique din tingnan ang sawali sa walling at ceiling natin.

✅ sa sahig ng kusina naman naka paint lang sya ng tinawag nila in general na EPOXY panday may alam na nyan kasi dina kailangan e tiles as long as laging malinis ang sahig ok na para sa akin.


If may tanong pa po kayo just comment lang para ma add ko din dito ung sagot. Maraming salamat once again. Keep safe everyone

Комментарии

Информация по комментариям в разработке