PNU Torch Ceremony 2019 - PNU March

Описание к видео PNU Torch Ceremony 2019 - PNU March

Tampok sa videong ito ang martsa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas o ang PNU March.

Iba pa ang awiting ito sa opisyal na imno ng pamantasan na kilala rin sa bansag na PNU Hymn at pinamagatang "Hail, Alma Mater! Hail!" sa Ingles o "O, Alma Mater Ko!" sa Filipino.

Ang liriko ng PNU March ay nilikha ng batikang manunulat na si Dr. Venancio L. Mendiola na nagtapos sa nasabing pamantasan. Nilapatan naman ito ng musika ni Maestro Lucio D. San Pedro. Si G. San Pedro ay naging propesor ng musika sa pamantasan at hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1991.

Tinutugtog ito sa pagtatapos ng mga seremonya ng unibersidad gaya ng Baccalaurate Ceremony, Torch Ceremony o ang Sulo, at sa taunang pagtatapos ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Itinanghal ng Banda ng Lungsod ng Maynila noong 28 Marso 2019 bilang bahagi ng pagtatapos ng SULO 2019 (Torch Ceremony 2019) sa ilalim ng baton ni G. Daniel Quianzon.

LIRIKO/LYRICS (mula sa PNU Undergraduate Student Handbook 2014):

Ang kagalingan mo’y aming inaasam-asam
O Inang Pamantasan!
Gabay ng bayan, ilaw ng guro
Kami ay iyong tanglawan
Sa aming pagharap sa unos ng buhay,
Pahat na isipa’y iyong pinalawak
Wagas na damdami’y higit na pinarilag
Dugo’t pawis ititigis para sa iyo.
Makita ka lang maringal
Masamyo sa Pamantasan
Sa ami’y nagkandili
Ang iyong pangalan laging ipagbubunyi
PNU, PNU,
pagpalain ka nawa!
Idadambana ka naming
Sa puso ng madla

Комментарии

Информация по комментариям в разработке