【Hatsune Miku V4x】My R ☆ Tagalog Cover【AlyxZiel】わたしのアール

Описание к видео 【Hatsune Miku V4x】My R ☆ Tagalog Cover【AlyxZiel】わたしのアール

【"Huwag kang tatalon"】

Watashi no R is a relatable song for me since I myself attempted suicide MANY times. I also help people with their problems too but... Who will be the one to help me with my own problems.....?

The "R" throughout the song might allude to "Reason". Idk, the song has literally many theories up to this moment.

I used あおい✿'s Tagalog Translyrics. Thanks again for letting me use it~! I tweaked some parts tho.. Hehehe

わたしのアール
Vocals: Hatsune Miku V4x Soft/Sweet
Original music by: Kurage-P
Tagalog Lyrics by: あおい✿
Vsqx: Miss Catastrophe • Pika-P
Video: https://www.nicovideo.jp/watch/sm2930...

Lyrics:
Maghuhubad na dapat ng sapatos
Nang may nakita sa rooftop
Babaeng nakatirintas ang buhok
Di ko napigilang magsalita

"Huwag kang tatalon"

Ano ba itong sinasabi ko?
Di ko naman problema yan
Medyo nainis lang dahil sa
Dito sakin siya'y nauna

Kinuwento niya sa akin ang problema
"Siguro ay alam mo na to
Akala ko siya ay para sakin
Pero di niya ako minahal"

Seryoso ka ba?! Di ako makapaniwala
Nauna ka sakin dito dahil sa rason na yan?
Malungkot ka dahil di mo nakuha gusto mo
Di ka pa nakaranas ng manakawan ng para sayo

"Maraming salamat sa pakikinig."
Ang babaeng nakatirintas ay naglaho na

Akala ko ako naman ngayon
Pagkahubad ng sapatos ko
Sa dulo may babaeng maliit
Di ko napigilang magsalita

Kinuwento niya sa akin ang problema
"Siguro ay alam mo na to
Walang pumapansin Walang natira
Wala akong lugar sa mundong to"

Seryoso ka ba?! Di ako makapaniwala
Nauna ka sa'kin dito dahil sa rason na yan?
Kahit ganon, mahal ka pa rin ng pamilya mo
May mainit na hapunan na naghihintay sayo

Luhaang sinabing nagugutom siya
Ang babaeng maliit ngayon ay naglaho na

Araw-araw, sa rooftop may nagtatangka
Kinausap ko sila, at napigilan pa
Paano naman ako?
Kanino naman masasabi ang hinagpis ko?

Ito ang unang beses makakita
May problemang kaparehas ko
Sa dinamirami ng dumaan
Siya'y naka yellow cardigan

"Gusto kong mawala ang sugat ko
Na sa bahay ko natatamo
Kaya ako ngayo'y naririto"
Yun ang sa kanya'y narinig ko

Ah Teka lang anong sinasabi ko
Di ko naman problema yan
Pero nadala ng damdamin ko
Di ko napigilang magsalita

"Huwag kang tatalon"

Ano ba to? Di ko siya mapigilan pa'no to?
Hindi ko alam ano bang dapat na sasabihin ko
Pero sana lang, huwag mong itutuloy ang balak mo
Di ko kayang tingnan ang kawawang kalagayan mo

"Mukhang hindi ito ang araw ko"
Naglakad siya pabalik at naglaho na

Wala nang ibang tao ngayon dito
Oras nang ituloy ang plano ko
Walang ibang makakaistorbo
Walang pipigil sakin dito

Tinatanggal ang yellow cardigan,
At ang tirintas ng buhok
Ang maliit na babaeng 'to
Ay tatalon na palayo

Комментарии

Информация по комментариям в разработке