LOIR - Umaga | Official Lyric Video ft. Guddhist Gunatita

Описание к видео LOIR - Umaga | Official Lyric Video ft. Guddhist Gunatita

Stream LOIR's 'Umaga (ft. Guddhist Gunatita)' : http://lnk.to/LOIRxGG-Umaga

Written by: LOIR, Guddhist Gunatita
Produced by: Goodson, Havo

Lyrics:
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara’t bumangon na sa iyong kama
Salubungin natin araw na payapa
Salubungin natin araw na payapa
Andami kong tama na inayawan alam ko kasi na mali sa isipan
Pinahalagahan ko aking katawan kaluluwa't isipan
Hindi ko hahayaan na maulit pa ulit
Ang kamalian na nagdulot sa damdamin ng sakit
Minsan ay madaya ang reyalidad
‘di pwedeng maulit napanaginipan
Mga pangyayaring biglaang lumisan diko nahawakan
Hindi mababalik kahit na ako'y mangulit
Mas lalo lang masasaktan kapag ang kapit mahigpit
Tanggap ko naman na sa aking sarili lang din
Nagmula mga pagkalito
Kaya ngayon ay pilit inaayos, daanang nakabaliko, yeah
Kapag nasasabik ay mas lalong naiinip,
Kaya pinili ko na lang na manahimik sa tabi
Andaming suliranin sa mundong mapaglaro
'Di ko akalaing kakayanin ko ito
Pilit gagapangin kung hindi makatayo
‘Di lang para sakin ito'y para rin sayo
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara’t bumangon na sa iyong kama
Salubungin natin araw na payapa
Salubungin natin araw na payapa
Ang dami ring lumisan
‘Di ko na mabilang
Ang sakit ang pait ng nakaraan
Salamat at nalagpasan ko ang mga pasan
Hindi ko na pinilit
Ang ‘di man para sa’kin
Tinalikuran, pinatawad ko nalang lahat
At nagpatuloy nalang ako sa paglalakbay
Pinalaya, Pinalaya
Sa mga tala, Sa mga tala
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara’t bumangon na sa iyong kama
Salubungin natin araw na payapa
Salubungin natin araw na payapa


#LOIR #LOIRxGhuddist #Umaga

Комментарии

Информация по комментариям в разработке