'My Puhunan: Kaya Mo!' Maglilitson sa La Loma naibebenta ang lahat ng bahagi ng baboy

Описание к видео 'My Puhunan: Kaya Mo!' Maglilitson sa La Loma naibebenta ang lahat ng bahagi ng baboy

Walang nasasayang sa negosyong lechon ni Ramon "Monchie" Ferreros sa La Loma, Quezon City.

Bukod sa binabalik-balikan sa kaniyang puwesto ang lechon, hit rin sa kaniyang mga customer ang mga bahagi ng lechon gaya ng puso at spine.

Bago nila inihahanda ang lechon, tinatanggal na nila ang mga bahaging ito at tsaka ibebenta na naka-barbeque.

"Itong atay, ginagawa naming barbeque atay. Ito namang litid na 'to kasama na 'to sa giant barbeque at ito rin namang small intestine 'pag niluto mo, chicharong bulaklak at 'yung puso," pagbabahagi ni Monchie sa My Puhunan.

Higit tatlong dekada na sa La Loma sina Monchie.

Sa edad na 20, nagsimula siyang magbenta ng chicharong bulaklak hanggang sa pasukin na niya ang paglilitson.

Alamin ang inspiring niyang kuwento at kung paano siya nakapagpundar na magarbong tahanan dito sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  
Instagram:   / abscbnnews  

#MyPuhunan
#LatestNews
#ABSCBNNews

Комментарии

Информация по комментариям в разработке