It’s Showtime April 12, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime April 12, 2024 | Full Episode

Hello, madlang people, it’s Friday! Party mode ang “It’s Showtime” family kasama si “Idol Philippines Season 2” crooner Kice at Kapuso star Khalil Ramos.

Hindi lamang all-out tawa kundi inspirasyon ang handog ng “Karaokids” kung saan isang Nanay ang nakatanggap ng regalo mula sa random act of kindness ni Lassy. Naantig si Vice Ganda kaya gusto niyang ipahanap si Nanay upang bigyan ito ng mas malaking tulong.

Perfect score naman ang nakuha nina Meme Vice at Ogie Alcasid sa jackpot round kaya naman may sampung madlang audience na nabiyayaan ng tig-5, 000 pesos!

Sa “EXpecially For You,” relate ang marami sa love story nina Crystelle at Rhenel na nagsimula sa pagiging BFFs hanggang si Crystelle ang nag-first move. It’s worth the risk, ‘ika nga, dahil naging masaya ang kanilang 10-month relationship, hanggang si Rhenel ay nakaranas ng mas matinding gender identity crisis.

Sa kabila ng lahat, tinanggap ni Crystelle ang pagiging ‘bisexual’ ng ex-bf, at sa dulo ay naging mabuti pa rin silang magkaibigan. Kaya naman suportado ni Rhenel ang ‘search for the right one’ ni Crystelle.

Walang tulak-kabigin sa husay at talento ang dalawang TNT Kids Semifinalists na sina Kendra at Neithan. Magical at mapuso ang kanilang performances kaya naman litong-lito sina hurado Jason Dy, Katrina Velarde, at Frenchie Dy kung sino ang aabante sa Grand Finals.

Sa huli ay nasungkit ni Neithan ang isang pwesto bilang Grand Finalist matapos makakuha ng combined judges’ score na 96% at si Kendra naman ay nakakuha ng 94%.

#KapamilyaOnlineLive
#itsshowtime
#ShowtimeAngKaSummer

Комментарии

Информация по комментариям в разработке