Dakila Ka Inay | Jeff Fern TV

Описание к видео Dakila Ka Inay | Jeff Fern TV

Original Lyrics:

Mula nang isilang
At magkamalay
Ikaw aking Inay
Ang aking gabay
Sa landas ng buhay

Sa aking pagtulog nagbabantay
Kapag lumuluha ang mahal mong sanggol
Ika'y dumaramay

At kung mayroong karamdaman
Inay ikaw ay luhaan
Ang iyong gagawin
Ay hindi malaman
Sa anak mong mahal

Pag may lamok bubugawin
Masuyo mong hahaplusin
Sa buong magdamag
Sa lamig ng hangin
Ako'y yayakapin

Ang isang asawa, mga kasintahan
Kay daling hanapin
Sa balat ng lupa
Ay matatagpuan

Ngunit ang isang Ina
Pag pumanaw
Upang makita mo
Upang makita mo'y
Muli kang isilang

Dakila ka Inay ko sa akin
Uliran at dapat mahalin
Pag ika'y nawalay sa aking piling
Ano ang gagawin

Ang yaman ay di kailangan
Kung wala ka o aking Inay
Sa mundong ibabaw
Wala kang kapantay
Dakila ka Inay

#JeffFernTV

Комментарии

Информация по комментариям в разработке