God say's: "Aaron bumaba ka na, nasa tamang istasyon ka na."
SUMMARY:
Ang unang plano talaga ay pumunta sa Taiwan at humanap ng taong may passport pero never pa nakalabas ng bansa. They started their day by taking the LRT, simple lang. Hindi ito usual trip ni Cong, pero minsan talaga, God leads you somewhere unexpected, may dahilan kung bakit ka dinala doon.
Habang nasa tren sila, may lumapit para magpa-picture. Pangalan niya, Aaron. Matagal na raw siyang naghahanap ng trabaho. Lagi siyang tinatanggihan, lagi siyang umaasa na may magtitiwala ulit sa kanya. Cong casually asked kung saan siya papunta, at sabi ni Aaron, “Naghahanap ako ng trabaho.” Nakakatawa kasi bumaba pa siya ng tren kahit hindi naman doon ang stop niya, all just to take a photo. Pero hindi niya alam, doon pala magsisimula ang bago niyang kwento.
Doon nag-iba ang takbo ng vlog. From a simple travel story, naging storya ng purpose at destiny.
Habang naglalakad papuntang DFA, nagsimulang mag-open up si Aaron. Sabi niya, baka hindi siya karapat-dapat kasi nakulong siya noon ng limang (5) buwan dahil sa pinagbabawal na gamot. Halata sa boses niya ang takot, hiya, pero ramdam mo rin ang pagsisisi. Akala niya matatanggihan na naman siya. Pero sabi ni Cong, “Pinagbayaran mo na ’di ba?” Tumango lang si Aaron, hawak ang release papers sa bag niya na para bang kahit malaya na siya, nakakulong pa rin sa bigat ng nakaraan.
Hanggang sa nangyari ang hindi niya inaasahan. Tinawagan ni Cong ang kaibigan niyang may bar at resto. Agad naman itong nagsabing tatanggapin niya si Aaron. Walang tanong, walang panghuhusga. Sinabi pa niya na dati rin siyang ex-convict, pati ilan sa staff niya.
Isipin mo ‘yon? Years of rejection, tapos may taong nagsabing, “Sige, bigyan ka namin ng chance.”
From one random photo, naging doorway to a new beginning.
Minsan akala natin, mali ang direksyon natin. Pero sa totoo lang, reroute lang pala ‘yon ni Lord. Aaron didn’t cross paths with Cong by chance, that was grace, that was purpose. Hindi nila planado ang pagkikita na ‘yon. Pero planado na ni God. 💛
ps. THIS IS JUST A FAN MADE VIDEO, NOT AN OFFICIAL MUSIC VIDEO
#istasyon #congtv #opm #gloc9 #teampayaman
Информация по комментариям в разработке