'EXpercially For You': Jinly at Gary, 4 na buwan lang tumagal ang relasyon | ABS-CBN News

Описание к видео 'EXpercially For You': Jinly at Gary, 4 na buwan lang tumagal ang relasyon | ABS-CBN News

MAYNILA -- Sumalang sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Miyerkules ang ex-couple na sina Jinly at Gary.
Kuwento nina Jinly at Gary, apat na buwan lang tumagal ang kanilang relasyon.


Naging bukas naman ang dalawa nang matanong kung ano ang mga hindi magandang bagay na tumabon sa kanilang relasyon.


"Parang sa una lang (caring) kasi parang noong naging kami, sa akin lang naman. na parang habang tumatagal at noong malapit na kaming mag-break, nawawalan na po ang caring niya, 'yung pag-aalala niya sa akin parang nahahayaan niya na po ako. At noong naging kami po hindi na po matimbang ang saya, puro lungkot na po. 
... Kapag nag-aaway kami, siyempre LDR kami hindi namin napag-uusapan po," ani Jinly.


"Madamdamin po siyang tao at madali po siyang makinig sa sinasabi ng iba. At saka kapag nagagalit siya hindi na niya bina-validate ang feelings ko," ani Gary.


Para kay Jinly, ang LDR o long-distance relationship ang isa sa nakaapekto sa kanilang pagsasama.


Naniniwala naman si Gary na ang hindi pagkakasundo ng kanilang mga ugali ang kanilang naging problema.


Pag-amin ni Gary, siya ang unang bumitaw sa relasyon.


"Hindi ko na rin kinakaya ang pagiging demanding niya po na lagi niyang gusto na lagi kaming magkasama eh alam niya na LDR kami nagde-demand siya na gusto niya lagi kaming magkasama," ani Gary.


Para naman kay Jinly, naniniwala siyang mas marami siyang ginawa sa kanilang naging relasyon.


Naniniwala naman ang dalawa na masaya na sila na natapos ang kanilang relasyon. Anila, marami rin silang natututnan sa isa't isa at sa kanilang naging pagsasama.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
   • ABS-CBN News  

For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
   • Breaking News & Live Coverage  

For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
   • The latest news and analysis from ABS...  

For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
   • News Digital Raw Cuts  

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  
Instagram:   / abscbnnews  

#Exclusive
#LatestNews
#ABSCBNNews

Комментарии

Информация по комментариям в разработке