Lou, Andre ng 'PBB', naggagamitan lang ba?

Описание к видео Lou, Andre ng 'PBB', naggagamitan lang ba?

Watch more in iWant or TFC.tv
MANILA -- "Naggagamitan."
Ito ang isa sa pinakamatinding komento na natanggap ng magkasintahan na sina Lou Yanong at Andre Brouillette, dalawa sa Big 4 ng "Pinoy Big Brother: Otso" adult housemates.
Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ng dalawa ang kanilang saloobin sa nasabing bintang.
"I know what we have is real," ani Andre.
"I know inside the house we really worked hard for it. Even for the auditions, it was really a long process and we're able to get here. So nakaka-proud lang po na sabihin na we worked hard for this. We are not using each other. We are here because we were strong inide. Nagpapakatotoo po kami," paliwanag ni Lou.

Matatandaang nabuo ang pag-iibigan nina Lou at Andre sa loob ng Bahay ni Kuya. At bago pa harapin ang outside world, naging opisyal ang relasyon ng dalawa.
Nang matanong kung nais din ba nilang mauwi sa kasalan ang kanilang pag-iibigan tulad nang nangyari sa dating housemates na sina Jason Francisco at ngayon ay "Magandang Buhay" host na si Melai Cantiveros, sagot ni Andre: "It's early to say but if it's meant to be, it will be. I think of course God has a plan for us so just go with the flow."

Ayon sa dalawa, sa ngayon ay handa na sila sa hamon ng showbiz.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке