AKLAT NG KAWIKAAN - KOMPLETONG KASULATAN

Описание к видео AKLAT NG KAWIKAAN - KOMPLETONG KASULATAN

#SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#KAWIKAAN

AKLAT NG KAWIKAAN

Panimula
Ang aklat ng Mga Kawikaan ay tinipong mga katuruang moral at angrelihiyon na ibinibigay ng mga dalubhasang pantas sa kabataang ludio. Ang kawikaan ay ang kinaugaliang pinakahalimbawa ng aklat
ng "karunungan" sa Lumang Tipan kung saan binibigyang-diin ang mga moral na katapatan batay sa re-lihiyon, sa katuruan nito na ang gantimpala at kaparusahan ay nagaganap sa buhay na ito, ang pagla lahad nito sa mga aral na ayon sa karanasan kaysa sa ipinahayag, at ang maikli ngunit mahalagang pagsasaliksik nito sa likas ng karunungan at ng kaugnayan nito sa Diyos.

Ang aklat ay may apat na pangunahing bahagi. Ang bawat isa sa mga bahaging ito (1:1-9:18: 10:1-22:16; 22:17-24:22; at 25:1-29:27) ay may sariling pamagat; ang pamagat ng una ay pinalawak sa 1:2-6
upang magsilbing panimula na naghahayag ng layunin ng nagtipon ng iba't ibang mga materyal. Ang limang mas maliliit na bahagi ay nagsisilbing mga apendise, kung saan ang isa (24:23-34) ay nakakabit sa
ikatlong pangunahing bahagi at ang natitira ay pinagsama sama sa katapusan ng aklat.

Ang Aklat I (1:1–9:18) ay naglalaman ng sampung malawak na pagtalakay na naglalaman ng mga payo at mga babala, dalawang tula kung saan ang karunungan ay binigyang katauhan (1:20-33; 8:1-36). isang patulang alegorya na nagpapakita ng kaibahan ng Karunungan sa Kahangalan (9:1-6, 13-18), at maiikling payo at mga tula.

Ang Aklat 11 (10:1-22:16) at Aklat IV (25:1-29:27) ay magkahiwalay na pinamagatang "Mga Kawikaan ni Solomon". Ang karunungan ni Solomon ay naging mala-alamat, kahit na ang kanyang mga kawikaan at awit ay sinasabing may kinalaman sa kalikasan kaysa sa pag-uugali ng tao (1 Mga Hari 4:32-33). Ang Aklat III ay binubuo ng mga serye ng iba't ibang aral. Nakakabit dito ang una sa limang apendise, 24:23-34. Ang iba pang apendise ay ang pag-uusap ng nag-aalinlangan at ng mananampalataya, isang pag-alala sa aklat ni Job (30:1-9), mga payo at salawikaing gumamit ng bilang upang maghayag ng kato-tohanan ng buhay (30-10-33), ang payo ng inang reyna sa batang hari (31:1-9); at larawan ng ulirang asawa ng isang kilalang lalaki (31:10-31).



PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...

GOD BLES YOU ALL...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке