Lab for All Bulacaan

Описание к видео Lab for All Bulacaan

Lab for All – San Jose Del Monte Bulacan

Naki isa ang Food and Drug Administration (FDA) sa pangunguna ni Director General Dr. Samuel A. Zacate sa isinagawang Lab for All, or "Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Magiliw na nagbigay ng kanyang pagbati si Congresswoman Florida P. Robes sa mga mamamayang pumunta para sa libreng konsultasyon, libreng gamot at laboratory testing. Ilan sa mga opisyales ng gobyerno na dumalo para sumuporta sa nasabing caravan ay sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Benjamin D. Abalos, Jr., DOH Undersecretary Dr. Eric Tayag, at Dr. Rizzy Alejandro, PhilHealth CEO Emmanuel Rufino Ledesma Jr. at DDG. John Bertiz III.

Layunin ng Lab for All Caravan ang makapaghandog ng basic health care services para sa pangkalahatang publiko. Ang Caravan na ito ay isinagawa sa pangunguna ng butihing Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ang FDA ay patuloy na susuporta sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos alinsunod sa mandato ng ahensya na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad na mga produktong pangkalusugan.

#FDA #FDAPhilippines #Educate #Regulate #Monitor

Комментарии

Информация по комментариям в разработке