8 tips Paano madaling maintindihan ang binabasa (Improve your reading comprehension skills)

Описание к видео 8 tips Paano madaling maintindihan ang binabasa (Improve your reading comprehension skills)

Reading is essential. Kahit saan ka pumunta lagi siyang ginagamit. Mahalagang maging mahusay sa reading. Kaya sa pag-aaral dapat ma-develop ang reading comprehension skills.

Paano nga ba madaling maiintindihan ang binabasa? Heto ang 8 tips.

1. Focus ka sa binabasa. Mas okay na buo o 100 % kaysa hati ang atensyon. Mainam na komportable ka at busog.
2. I-feel ang binabasa. Kung story: Umpisa sa title, picture/images, characters, setting, at yung daloy ng kwento. Mas makaka-relate ka kapag isinasapuso mo ang binabasa mo. “Relate much” sabi nga.
3. I-highlight ang mga highlights o pinakamahahalagang impormasyon. Pwede mo salungguhitan, kulayan at bilugan. At gumamit ka ng favorite color mo para mas nakakadagdag saya habang nagbabasa. Kapag naiwan kc na wala cyang highlight parang hindi mo p cya nabasa db? So parang back to zero ang dating ng page.
4. Hanapin sa dictionary ang mga unfamiliar words. Halimbawa nabasa mo: “The prince hid in the mountains.” (Ang prinsipe ay nagtago sa kabundukan). Kung hindi mo alam ang kahulugan ng “hid” hindi mo malalaman ang ginawa ng prinsipe.
5. Isulat sa margins at ibang espasyo ang mga SID (super important details) at extra info. Kasi minsan kapag nasa ibang papel, hahanapin mo pa ‘pag review time. So, mas mabilis kapag nandon na sa same page mismo.
6. I-share mo ‘yong natutunan mo. The more mo siyang binabanggit, mas lalo siyang nare-retain sa isip mo. Parang sa bata, malalaman mo na naintindihan niya ‘yong binasa niya o ikinuwento sa kanya kapag nakakapagkwento siya tungkol doon. So storytelling, without looking at the book shows that you know and you understood the story.
7. Balikan ang mga nabasa na. Akala lang kasi natin alam na alam na natin pero ‘pag inulit nating binasa ay mas may nadidiskubre pa tayong impormasyon.
8. Love reading. Kung love mo K-drama, love mo online game, love mo favorite song mo, higit na love dapat ang reading.

#read #ReadingSkills #StudySmart
#SHS
#EnglishSkills
#JHS
#College

Комментарии

Информация по комментариям в разработке