It’s Showtime August 10, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 10, 2024 | Full Episode

Eyy ka muna! Eyy! Gawing mas masaya ang Saturday with the ‘Showtime’ family. For today’s video, may nagbabalik! Fresh from LA, present si Ogie Alcasid na ready na ulit mamahagi ng happiness.

Speaking of nagbabalik, ‘comeback’ na this for Joshua Garcia and Julia Barretto. Ang ex-couple, pinakilig ang madlang people! ‘Magbabalikan’ na nga ang JoshLia sa big screen–ang detalye, alamin!

May early birthday greetings din ang ‘Showtime’ family para kay ‘Sample King’ Jhong Hilario. Maligayang Kaarawan, Kuys Jhong!

O, pag-ibig, ‘pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Damdaming mapusok. Pusong marupok. Paano kung sa huli, pag-ibig ay magtatapos lang din sa isang tuldok? Alamin ang kwento nina Yurie at Dicon sa “EXpecially For You.”

Ang mga batang puso nina Yurie at Dicon, nahulog nang malala. Sa sobrang lakas ng tama ng pag-ibig sa kanila, nagpasya silang magsama, kahit pa katumbas ito ng pagtalikod ni Yurie sa mga magulang niya.

Sitwasyon ay naging kumplikado nang si Dicon ay huminto sa pag-aaral para magtrabaho. Dagdag na kasi sa responsibilidad niya ang pantustos ni Yurie sa eskewela. Masaya lang sa umpisa. Nag-cheat si Dicon. Ang kanyang rason? Hindi raw niya kinaya ang ugali ni Yurie. Nang mahimasmasan, kanyang natutunan na ang relasyon na nagsimula sa cheating, bitter din ang ending. Pero huli na ang lahat. Dahil si Yurie, tuluyan nang bumalik sa poder ng kanyang mga magulang.

Anong say n’yo sa kwentong ‘to, madlang people? Samantala, sina Joshua at Julia, napa-throwback nang ibahagi ang ilan sa kanilang mga karanasan bilang dating magkasintahan.

Daily winners ay nagbabalik para humarap sa panibagong hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” Prelims.

First to take the exams si Angel Andal ng Our Lady of Peace School. “Nobody’s Perfect,” birit niya sa entablado. Perfect score kaya ang makuha niya mula sa mga hurado? “It was good,” komento ni Mark Bautista, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Natuwa naman si Punong Hurado Marco Sison sa areglo at malambing na bersyon ni Paranaque National High School student Allyana Magao ng OPM classic hit “Lumayo Ka Man Sa Akin.”

Vocal styling naman ang pinuri ni hurado Nyoy Volante sa “In Your Eyes” performance ng pambato ng University of Northern Philippines, Lorelei Alquiza.

Bitbit ang pangalan ng College for Research and Technology, ginalingan ni Pauleen Ignacio ang performance niya sa entablado. “Location” ang napili niyang kanta, na bagay daw sa confidence at style niya, ayon kay hurado Mark.

Talento ni City College of Calapan student Isay Olarte ay nagningning sa pag-awit niya ng “Tala.” Si Punong Hurado Marco, walang nakitang sablay sa pagkanta ni Isay.

Matapos ang salpukan ng mga singing estudyante sa tanghalan, si Isay ang hinirang na Top 1.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке