#WIAYearEnder

Описание к видео #WIAYearEnder

#WIAYearEnder: "Tuloy Tuloy" ang theme song na napili namin para sa Woman In Action dahil naniniwala kami na sinasalamin nito kung ano ang puso ng programa.
Ang WIA ay hindi lamang isang travel show. Isa itong pampasaherong sasakyan na maaaring magdala sa inyo sa iba't ibang parte ng mundo, para malaman at makilala ang buhay ng Pilipino.
Hindi man laging "pang-Instagram" ang kwento, mahalaga ang pagpapakita ng mga tunay na larawan at mga hamon na hinaharap ng isang komunidad. Dito lang kasi natin makikita ang taglay na yaman ng isang lugar, maiintindihan ang hinaharap ng mga tao sa araw-araw, at maaaninag ang kanyang potensyal.
Tanong nga sa kanta ni QUEST -- "Bakit parang puro ka silip? Takot ka na bang umulit? Ang mangarap ba'y 'di na sulit? Lumang istorya na 'yan."
Hindi lang pagtutuklas ang nais gawin ng WIA, kundi pangarap din naming manghikayat, magbigay ng lakas ng loob, at buhayin ang pag-asa ng mga manonood, na sila rin ay maaaring maglakbay nang buong tapang.
Kaya't lakas-loob din naming hinahanap ang mga kwentong 'di pangkaraniwan, dahil dito natin makikita kung paano naglalakas-loob ang iba na lumabas sa kanilang kinasanayan at kinagisnan, para suyurin ang dagat ng posibilidad.
Hindi man laging nasa hulog ang pagtataya, "minsan titigil, minsan ikot nang ikot", ang mahalaga, sa bawat hakbang, maliit man o malaki, "tuloy tuloy lang ang biyahe, basta't umaabante".
Maraming salamat 2023, at manigong bagong taon!

Комментарии

Информация по комментариям в разработке