BEST ADVICE FOR YOUR YOUNGER SELF - MOTIVATIONAL VIDEO

Описание к видео BEST ADVICE FOR YOUR YOUNGER SELF - MOTIVATIONAL VIDEO

Video Title: BEST ADVICE FOR YOUR YOUNGER SELF - MOTIVATIONAL VIDEO

Minsan may magtatanong sa 'kin, “May payo ka ba sa younger self mo?” Hindi ko alam kung may maipapayo ba ako dahil kung mayroon man, hindi makikinig ang younger self ko sa 'kin. Alam ko 'yan kasi ako 'to eh… Alam ko ang buong pagkatao ko. Hindi ako nakikinig. Pero noon 'yon. Kaya nga ang tagal kong nagbago eh dahil hindi ako nakikinig.

'Wag niyong tularan ang nakaraan ko, okay? So ngayon bibigyan ko kayo ng payo. Kahit hindi na kayo young, makinig kayo kasi napaka importante talaga 'to. Ito kasi ang hindi ko pinakinggan noon so babawiin ko para sa inyo. Palagi na natin 'tong sinasabi sa mga videos natin: ‘Wag kang kampante, mangarap ka pa’ Libre lang naman mangarap, 'di ba? Siyempre naman. Pero ang tanong, LIBRE bang ABUTIN ang pangarap? HINDI. Kasi kung LIBRE lang ito, lahat tayo ay nagtatagumpay na sa buhay. Kung hindi LIBRE, may BAYAD ba? Mayroon. Dugo at pawis. Grabeng pagsasakripisyo. Matinding pagsisikap. Walang atrasan sa labanan. Walang pagdadahilan. Walang pagrereklamo, WALA LAHAT! Kaya mo ba 'yon? Kasi kung hindi mo kaya, 'wag kang mangarap.

Walang taong tulog ang nakukuha ang gusto nila. 'Wag kang magpaka Juan Tamad na maghihintay lang na mahulog ang mansanas sa bibig mo. Bakit ba wala kang ginawa? Dahil ba ayaw mong mapagod? 'Wag ka na lang mangarap. Kung gusto mong maabot ang pangarap mo, tumayo ka at harapin mo ang lahat ng pagsubok na ibinabato sa 'yo ng buhay. Dapat nakatayo ka at humarap sa mga harang mo sa harapan. Dapat handa ka na sa mga pasakit. 'Wag kang lumuhod. 'Wag kang magpakatanga dahil hindi ka TANGA. Kung wala kang gagawin, mas mahihirapan ka pa lalo. At ito pa ang mas masakit, kung hindi mo hahabulin ang pangarap mo, kukunin 'to ng ibang tao. Gusto mo ba 'yon. Kasi ako ayoko.

Lahat naman tayo ay may pangarap sa buhay pero kaunti lang ang lumalaban. Halos lahat nagpapatiklop. Makinig ka sa 'kin, matutupad mo ang pangarap mo kung may AKSYON ka. 'Yan ang kailangan upang magtagumpay. “P'ano kung inaaksyonan ko pero wala pa ring nangyayari?” E 'di sumubok ka ulit. Alam naman natin na palagi tayong may masasalubong sa daan. Palaging may ibabato sa 'tin. Masamang bagay man o mabuting bagay, matatamasa mo 'yan. Pero kung wala ka sa gitna, p'ano mo mararanasan ang mabuti at masamang bagay? Hindi naman pwedeng mamili ka lang. Mapabuti man o masamang pangyayari, lahat ng 'yan ay masasalo mo. Sa ating paglalakbay, iba't-ibang bagay ang masasalubong natin. Magtatagumpay ka lang, kung magpapatuloy ka. Hindi ito tungkol sa mga mabibigat na bagay na ibinabato ng buhay sa 'yo. Tungkol ito sa kung paano mo tinutugunan ang mga bagay na ibinabato sa 'yo. Naiintindihan mo ba ako?

TRANSCRIPT: https://bit.ly/3wvNBbC



▶ AGBUYA MAN TV

MOUNTAIN HIKING FUN | No Copyright - Free Videos of Mountain Hiking and Free Music
Link:    • MOUNTAIN HIKING FUN | No Copyright - ...  



▶ Music Library

Free Background Motivational Music For Video No Copyright Music
Link:    • Free Background Motivational Music Fo...  



--------------------------------------------------------------------------------------------

Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: [email protected]

--------------------------------------------------------------------------------------------


Speaker:
Brain Power
   / brainpower2177  

Facebook Page:   / brainpower2177  

Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177

If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell -    / brainpower2177  

----------------------------------------------------------------------------------------------

#BestAdvice #YoungerSelf #BrainPower2177

Комментарии

Информация по комментариям в разработке