Kung intense ang naging 2025, let's aim for a calmer 2026. Ito ang magpapakalma sa araw mo—isang harana mula kay Amiel Sol. "Nahanap Kita" ang kanta para sa special someone na matagal mong hinintay.
Eh, kung sina MC at Lassy na lang ang natitirang kasama niya sa mundo, sino ang unang hahanapin ni Amiel? Dinaan ng mag-BFF sa 'sales talk' ang laban. Amiel, kaninong offer ang hindi mo kayang hindian?
Sabi nga ni Maki, baka magkita pa tayo sa kalsada ng BGC. But today, sa 'Laro Laro Pick' game arena muna tayo magkita kasama ang mga residente ng Taguig na naglaro sa paborito nating segment.
Naki-hang out ang hosts kay player Epoy, na kahit may pinagdaanang sakit ang puso, nananatiling masayahin at positibo. Kuwento niya, pagkatapos ng kontrata bilang cleaner sa ibang bansa, hindi na niya naabutan pa ang asawa na iniwan na lang silang mag-aama. Kaya ngayon ay solo parent siya sa maliliit pa nilang mga anak.
Na-feel din ni Meme ang kabutihan ng puso ni Lina, isang lola na maasikaso sa mga apo. Maaga siyang gumigising para sa mga gawaing bahay katulad ng pag-iigib ng tubig na inaakyat niya pa sa kanilang maliit na 'kwarto' sa 7th floor ng isang tenement building. Kaya ang dasal ni Vice para kay Lina, sana hindi ito magkasakit.
Sa jackpot round, kinilala nina Vice Ganda, Kim Chiu, Jhong Hilario at Jackie Gonzaga si player Aiai. "Sana huwag kang magkakasakit," sambit ni Vice nang mapag-alaman na siyam ang anak nito.
Tugon ni Aiai, totoong may sakit siya, cervical cancer, pero hindi regular ang kanyang checkup mula nang ma-diagnose noong 2019. Tinitiis na nga lang ni Aiai ang sakit dahil sa mga problemang pinansiyal. Aniya, 'yung ibabayad sa checkup ay mas ilalaan na lang niya sa pagkain ng pamilya. Kahit daw ang minimal fee sa pampublikong ospital ay hindi kakayanin ng maliit na kita niya bilang laundry staff.
Dahil sa kalagayan ni Aiai, muling inilakas ni Vice ang boses para manawagan ng magandang healthcare service mula sa gobyerno, at muling ipaalala ang kawalan ng hustisya laban sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Umabot sa P100k ang Li-Pot offer, na tinanggap naman ni Lita. Good decision dahil aminadong hindi niya alam ang sagot sa P200k Pot question.
Sa pagpapatuloy ng Resbakbakan round ng "TNT Duets 2," mixed emotions ang naramdaman nina hurados Jed Madela, JM Yosures at Punong Hurado Louie Ocampo.
Kilalang power belters ang duo nina Almaerra Recentes at Angelica Magno. Pero sa pagkakataong ito, nakulangan si Maestro Louie sa "I Wanna Dance with Somebody" performance ng pares.
Sa ikalawang tandem, sina Dan Carillo at MC Cabaluna, na kinanta ang 'Di Ko Kayang Tanggapin,' rollercoaster of feels daw ang napulot ni hurado JM. Sa simula ay parang masakit ang hugot ng kantahan, pero sa huli ay naging novelty naman ang atake. Parang risky, na parang nakakalito. Subalit, pagkontra ni Maestro Louie, isa lang ang naramdaman niya—he was entertained.
Sa dulo, tandem nina Dan at MC ang panalo sa score na 92.7%.
Информация по комментариям в разработке