PAGPAPA-OSPITAL, GAMOT PARA SA TINAMAAN NG LEPTOSPIROSIS AT TETANUS, PINAPASAGOT SA PHILHEALTH

Описание к видео PAGPAPA-OSPITAL, GAMOT PARA SA TINAMAAN NG LEPTOSPIROSIS AT TETANUS, PINAPASAGOT SA PHILHEALTH

PAGPAPA-OSPITAL, GAMOT PARA SA TINAMAAN NG LEPTOSPIROSIS AT TETANUS, PINAPASAGOT SA PHILHEALTH

Pinasasagot ng ilang kongresista sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang pagpapa-ospital at mga gamot para sa mga biktima ng kalamidad na tinamaan ng leptospirosis at tetanus.

Ang panukalang ito ay isinusulong sa KAMARA ni Cong. Erwin Tulfo ng ACT-CIS para sa mga maaapektuhan ng mga naturang sakit dahil sa pagbaha sa kanilang lugar.

Sinabi ng kongresista, malaking ginhawa ito sa mga pasyente lalo pa’t kung biktima sila ng bagyo, baha at sunog.

Batid ni Tulfo na tila nakakaligtaan na ng pamahalaan ang pagpapagamot ng libre sa mga biktima o residente na tinamaan ng sakit sa paghupa ng kalamidad.

Karamihan pa naman kasi sa mga ito ay nawawalan o nasisiraan ng tirahan at problemado maging sa pambili ng kanilang mga pagkain kaya kinakailangan lamang na matulungan sila ng pamahalaan.

Samantala, sagot ng PhilHealth ang hanggang P10,000 para sa mga pasyenteng maoospital sanhi ng dengue mayroon man o walang warning signs at P16,000 para sa severe dengue. Habang P11,000 naman ang benepisyo para sa leptospirosis.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensiya ang publiko na gawin ang kaukulang pag-iingat para makaiwas sa dengue at leptospirosis. Agad magpatingin sa doktor dahil delikado ang mga sakit na ito.

#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news

Комментарии

Информация по комментариям в разработке