Mozek - Palalo (Pride) Dead7ySins Album

Описание к видео Mozek - Palalo (Pride) Dead7ySins Album

Track: Palalo (PRIDE)
Composed by: Melvinson Abamo
Produced by: ODDstatus
Mixed&Mastered by: Ryan Emuslan
Recorder at: Puyat Records

Lyrics:

Unang kwento'y patungkol sa pag-ibig
Ng dalawang naging hilig ang amat na dala ng kanya-kanyang tinig
Madalas na mamataang magkasama lang
Kahit pa gipit
Minsa'y napapagkamalang magasawa na
Dahil sa higpit
Ng hawak sa kanya-kanyang kamay
Na kala makakawala pa
Mahal kita maya't-maya nakakasawa na ba?
Hindi malamang kahit kumalam ang tiyan di ipagpapalit
Hindi tatabang aking pakiramdam lagi lang matamis
Tumagal ng ilang buwan umabot ng taon
Nakita ang kaibahan ng lumipas na at ng ngayon
Habang tumatagal pakiramdam nya ay nasasakal
Ang bangayan dumadalas tila wala na sa lugar
Lagi na syang mali habang yung isa'y di din naman tama
Walang nagwawagi walang gustong magparaya
Tila nalimutan pangako nung nagmamahalan
Nasira dahil sa gustong makipagpataasan

Atin nang basahin ang nalalabi pang pahina
Istorya ng batang hilig ang matematika
Agham o kahit ano pang sinasabi na
Mahirap sa pangkaraniwan sakanya ay mahika
Naging dakila ang munti nyang pangalan
Dahil mani lang mag aral
Kinagiliwan ng karamihang kagaya
Kaya lang isa sa dahilan ng pagsikat sa madla
Ay ang katiting na kabutihan ng asal
Madalas na mangutya ng mga isipang mabagal
Bat hindi mo nakuha eh andali lang mag aral
Nakatapos sa pinakamataas na parangal
Nagsumikap magtrabahot nakuha na ang lahat ng inasam
Nagkaedad nagkasakit dun sa magara nyang kama
Tahanan na kasya lahat ng taga pag asa
Papanaw ng walang kasama na umalala
Kasiyahan nga bay kanyang natamasa?

Sa huling kabanata ng tatlong akdang ito
Makikilala natin ang isang panatiko
Nangarap na maging isang ganap na musikero
Inaral ang galawan gamit ang kanyang talento
Hiya ay nilunok sa pagsampa sa entablado
Kahit na walang bayad sige lang yan ay proseso
Hanggang isang gabi habang sya ay nagtatanghal, napusuan ng nakikinig
At di din nagtagal
Nabigyan ng tyansa na syay makilala
May bayad na ang kada bara nyang nailathala
Hindi na sya wala lang nagkaron ng tagahanga
Nabigla sa kasikatan at yamang kanya ngayong tinatamasa
Pag merong bagong naglabas akoy mas magaling
Hindi nya kaya tong mga kaya ko na gawin
Binenta ang sarili nawala na yung dating
Kainaman ng katha sa kasikatay nalasing
Natutunan ang ibat ibang bagay
Alak drogat kasakiman isip na mahalay
Nakaligtaan pangarap nya na maging kahanay
Ng kanyang mga tiningala
Naging mali na ang pakay
Naging mahina na para bang,
Binawian ng kaalaman
Unti unting naubos ang noong walang paglagyan
Ang dating bituin tila nahulog sa ilang
Naging mayabang at sakim ayun nasunog ng sarili nyang kinang


Dead7ySins Album
Twistedhead 2021

Комментарии

Информация по комментариям в разработке