Logo video2dn
  • Сохранить видео с ютуба
  • Категории
    • Музыка
    • Кино и Анимация
    • Автомобили
    • Животные
    • Спорт
    • Путешествия
    • Игры
    • Люди и Блоги
    • Юмор
    • Развлечения
    • Новости и Политика
    • Howto и Стиль
    • Diy своими руками
    • Образование
    • Наука и Технологии
    • Некоммерческие Организации
  • О сайте

Скачать или смотреть Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik)

  • Apple Beltran
  • 2022-06-03
  • 34526
Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik)
  • ok logo

Скачать Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik) бесплатно в качестве 4к (2к / 1080p)

У нас вы можете скачать бесплатно Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik) или посмотреть видео с ютуба в максимальном доступном качестве.

Для скачивания выберите вариант из формы ниже:

  • Информация по загрузке:

Cкачать музыку Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik) бесплатно в формате MP3:

Если иконки загрузки не отобразились, ПОЖАЛУЙСТА, НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если у вас возникли трудности с загрузкой, пожалуйста, свяжитесь с нами по контактам, указанным в нижней части страницы.
Спасибо за использование сервиса video2dn.com

Описание к видео Talumpati para sa Pagtatapos - Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Nilalaman:
Marahil ang iilan sa inyo ay naranasan nang maligaw ng landas. May mga pagkakataon at pangyayari tayong pinagsisisihan ngunit hindi na natin maibalik ang oras. Subalit bakit kasama ko kayo ngayong nagpapatuloy sa buhay para sa magandang bukas? Dahilan marahil hindi natatapos ang sarili mong kwento sa isang pagwawakas.

Ako si Binibining Apple Beltran na binabati ang mga kagalang-galang na panauhin, Si Ginoong --- na punungguro ng departamento ng SHS, ang lahat ng mga guro sa TNHS, ang mga magulang na naririto, at sa lahat ng mga magsisipagtapos! Isang mapagpalang araw na ipinagkaloob sa ‘tin ng Diyos. Ang magtanghal sa inyong harapan ay karangalan kong lubos!

Mapagbiro ang buhay dahil kailangan nating maranasang malungkot, maghirap, at itrato nang hindi patas at pantay bago natin makamtan ang tunay na saya at tagumpay. Noong unang taon ko sa hayskul, hindi pa ako rito nag-aaral sa Tarlac. Nabigyan ako ng pagkakataon ng Holy Angel University sa AC, Pampanga para makapag-aral doon nang libre. Hindi ako sanay sa malaking paaralan at maraming nakikitang estudyante dahil hindi gano’n ang kinalakhan kong kapaligiran noong elementarya. Kaya malaking pagsubok sa ‘kin ang makisalamuha at makibagay sa iba’t ibang mga estudyante roon. Hindi rin ako nakaligtas sa mga pangungutya at mga taong mapangmata. Na lahat yata ng galaw at kahinaan mo ay pinagtatawanan nila. Nang dahil din sa karanasan kong ito, nagsimulang bumaba ang aking kumpiyansa sa sarili maging ang aking mga marka at nagkasakit ako na hanggang ngayon ay aking dala-dala.

Dati pa man ay palakaibigan na ako. Pero sa unang taon kong iyon napagtanto na hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa ‘yo. Tunay na hindi lahat ng tao ay magiging masaya sa kaligayahan mo. May mga tao rin ibababa ka lalo kahit sila pa mismo ang inaasahan mong unang susuporta sa ‘yo. Kaya sa ikalawang taon ko sa hayskul, naisipan kong umiwas sa mga ganitong klase ng tao. Kung naranasan mo rin ang naranasan ko at naisipan mo ring umiwas o lumayo sa kanila, binabati kita! Hindi ka kalianman magiging kawalan dahil may darating at darating na bagong mga kaibigan na handa kang tanggapin at tulungan.

Ika-siyam na baitang ko mas nakilala ang mga naging kaibigan ko noong ikawalo. Nakakilala rin ako ng mga bagong kaibigan na hanggang ngayon ay kaibigan ko. Natuto na rin akong makibagay at makisalamuha sa iba, ngunit pinipili ko na kung sinu-sino ang mga mapagkakatiwalaang kong talaga. Sa huling taon ko sa HAU ay mas lalo akong lumago at natuto ng maraming bagay. Nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili at nagawa ko rin ang mga dati’y hindi ko nagagawa. Lumipat ako ng San Sebastian Cathedral School nang ikasampung baitang. Marami ulit akong naging kaibigan at hindi ko ipagkakailang marami akong natutuhan. Maraming mga patimpalak akong sinalihan at karamihan ay aking napagtagumpayan. Isang malaking pasasalamat dahil naging malaking tulong ang aming tagapayo dahil malimit niyang sabihin sa ‘min, “Alam kong kaya niyo at naniniwala ako sa kakayahan ninyo.” Ang sarap sa pandinig at pakiramdam na mayroong naniniwala sa ‘yo kahit sa mga panahong pinagduduhan mo ang sarili mo.

Lumipat ako ng Tarlac National High School noong nagkaroon ng pandemya. Dahil sayang nga naman ang ibabayad sa pribadong paaralan gayung pareho lang din namang sa bahay mag-aaral. Ang masasabi ko lamang ay ang hirap, at lahat naman siguro tayo ay nahirapan. Naranasan kong mapag-iwanan, maraming gawain ngunit wala kang natututuhan, at mawalan ng motibasyon sa pag-aaral na tila gusto mo na lamang sukuan. Subalit laking pasasalamat ko ulit sa mga dati kong kaibigan at mga naging bago kong kaibigan. Nagkaroon ako ng kakampi, katulong, at karamay sa mga pagsubok na pinagdaraanan. Maging sa mga magulang at kapatid ko na handa ako laging pakinggan at intindihin. Ngayon ko napagtanto na ang swerte ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

Bakit ba puro pagkakaibigan ang aking binabanggit? Ito ay dahil sila ang rason kung bakit ang buhay hayskul ko ay talaga namang nasulit. Ang sabi sa akin ng aking mga magulang na, “Sa hayskul mo mararanasan ang lahat,” at hindi sila nagkamali dahil nasa mga tamang tao ako. Naranasan ko mang malungkot at maghirap ngunit nariyan sila upang making karamay ko. Sigurado akong kayo rin naman at may ganitong karanasan. Na mas naging makabuluhan ang ating buhay hayskul dahil sa ating mga kaibigan. Mas marami tayong matututuhan sa eskwelahan dahil may barkada tayong handa tayong tulungan. Wala naman sa dami ng kaibigan 'yan, nasa mga totoo't mapagkakatiwalaan. Kaya hindi ako nagsisising inenjoy ko ang aking buhay kasama sila habang nag-aaral. Tandaan ninyong may buhay kayo sa labas ng paaralan. At sa pagtatapos nating ito, tandaang hindi nalilimitahan sa paaralan ang mga dapat mong matutuhan. Hindi ito ang wakas dahil ito ay simula pa lamang. Simula ng bago nating tatahaking landas para sa sigurado at maayos na kinabukasan. Kaya magpatuloy ka lang!

Комментарии

Информация по комментариям в разработке

Похожие видео

  • Talumpati ng isang Mag-aaral na nagtapos ng hayskul bilang Balediktoryan
    Talumpati ng isang Mag-aaral na nagtapos ng hayskul bilang Balediktoryan
    6 лет назад
  • TALUMPATI NG PAGTATAPOS | VALEDICTORY ADDRESS | Batch 2023 | Jhamaica Bantay
    TALUMPATI NG PAGTATAPOS | VALEDICTORY ADDRESS | Batch 2023 | Jhamaica Bantay
    2 года назад
  • Dia Masa Lalumu, Aku Masa Depanmu | Bisaya Version
    Dia Masa Lalumu, Aku Masa Depanmu | Bisaya Version
    1 год назад
  • KOMFIL - WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON
    KOMFIL - WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON
    21 час назад
  • 😮БЕРЕЗОВЕЦ: ЛЮТОЕ ПОБОИЩЕ в Иране! Пентагон ОБЬЯВИЛ о ПЕРВЫХ ПОТЕРЯХ США. ВСУ ВСТУПИЛИ в НОВОЮ ВОЙНУ
    😮БЕРЕЗОВЕЦ: ЛЮТОЕ ПОБОИЩЕ в Иране! Пентагон ОБЬЯВИЛ о ПЕРВЫХ ПОТЕРЯХ США. ВСУ ВСТУПИЛИ в НОВОЮ ВОЙНУ
    1 час назад
  • Valedictorian, nagbigay ng makabagbag-damdaming talumpati! | Kapuso Mo, Jessica Soho
    Valedictorian, nagbigay ng makabagbag-damdaming talumpati! | Kapuso Mo, Jessica Soho
    1 год назад
  • Ансамбль
    Ансамбль "Жизнь"
    4 дня назад
  • Азербайджан ПОД УДАРОМ! РФ - не до Ирана! СВО меняет географию. Кремль объявил газовое эмбарго
    Азербайджан ПОД УДАРОМ! РФ - не до Ирана! СВО меняет географию. Кремль объявил газовое эмбарго
    3 часа назад
  • Angel D. Salas- Sta. Paz National High School- Pagtatalumpati
    Angel D. Salas- Sta. Paz National High School- Pagtatalumpati
    4 года назад
  • ‼️Иран нанёс удары по Азербайджану. Иракские курды начали наступление на Иран? /  Утренний эфир
    ‼️Иран нанёс удары по Азербайджану. Иракские курды начали наступление на Иран? / Утренний эфир
    Трансляция закончилась 3 часа назад
  • MAGKAPATID NA SUNDALO NA NALIGAW SA BARYO NG ASWANG | Kwentong Aswang | True Story
    MAGKAPATID NA SUNDALO NA NALIGAW SA BARYO NG ASWANG | Kwentong Aswang | True Story
    6 часов назад
  • IBA KA BOY!!! UP Summa Cum Laude's Valedictory Address That Won’t Inspire You
    IBA KA BOY!!! UP Summa Cum Laude's Valedictory Address That Won’t Inspire You
    2 года назад
  • Первые ЯДЕРНЫЕ РАКЕТЫ Ирана В БОЮ! Орешник РАЗНОСИТ Тегеран: ПРВДА о Kheibar. США приказали БОМБИТЬ
    Первые ЯДЕРНЫЕ РАКЕТЫ Ирана В БОЮ! Орешник РАЗНОСИТ Тегеран: ПРВДА о Kheibar. США приказали БОМБИТЬ
    4 часа назад
  • ⚡️ Войска прорвали границу Ирана || НАТО впервые вступило в бой
    ⚡️ Войска прорвали границу Ирана || НАТО впервые вступило в бой
    10 часов назад
  • Talumpati Para sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino
    Talumpati Para sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino
    4 года назад
  • Bandila: Why student's graduation speech went viral?
    Bandila: Why student's graduation speech went viral?
    10 лет назад
  • Иран ударил по Азербайджану | Виталий Портников
    Иран ударил по Азербайджану | Виталий Портников
    3 часа назад
  • TALUMPATI ng Valedictorian:Isang halimbawa
    TALUMPATI ng Valedictorian:Isang halimbawa
    1 год назад
  • Graduation Motivational Speech - Inspirational Speech for Graduates
    Graduation Motivational Speech - Inspirational Speech for Graduates
    11 лет назад
  • ⚡️НОВОСТИ | СРОЧНОЕ ЗАЯВЛЕНИЕ ПУТИНА | МАССОВЫЙ УДАР ПО РОССИИ | ЩЕРБАКОВА ОТМЕНЯЮТ| США МАЛО ОРУЖИЯ
    ⚡️НОВОСТИ | СРОЧНОЕ ЗАЯВЛЕНИЕ ПУТИНА | МАССОВЫЙ УДАР ПО РОССИИ | ЩЕРБАКОВА ОТМЕНЯЮТ| США МАЛО ОРУЖИЯ
    7 часов назад
  • О нас
  • Контакты
  • Отказ от ответственности - Disclaimer
  • Условия использования сайта - TOS
  • Политика конфиденциальности

video2dn Copyright © 2023 - 2025

Контакты для правообладателей video2contact@gmail.com