It’s Showtime June 22, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime June 22, 2024 | Full Episode

Simulan ang weekend with a bang! ‘Oppa’-kikiligin kayo ni Ryan Bang sa kanyang special birthday prod. Go, Ryan, i-flex ang talent sa pagtugtog ng mga musical instruments! Na-surprise rin ang madlang people nang samahan ni Zsa Zsa Padilla ang birthday boy sa pagtatanghal nito. Pinili ni Ryan si Zsa Zsa na maka-collab sa kanyang number dahil na-inspire at naka-relate siya sa awitin nitong “’Pag Tinadhana.” ‘Best friend’ na nga ang tawag niya sa Divine Diva.

Parang last year lang, hiniling pa ni Vhong Navarro na sana magka-jowa na si Ryan. At sa birthday niya ngayon, kasama na n’ya ang ‘the one’ niyang si Paolo, na dumalaw pa sa studio para panoorin siya. Masaya kami para sa’yo, Ryan! Maligayang kaarawan!

Nagmahal nang tapat? Bigyan ng second chance ‘yan! Ang pusong minsang naligaw, hinahanap pa rin ay ikaw – ‘yan ang sigaw ng mag-ex na sina Bibe at Dudong sa “EXpecially For You.” Comeback na itu!

Lahat ay kinilig nang balikan nina Bibe at Dudong ang kanilang unang pagkikita. Love at first sight, ‘ika nga. Pero dumating sa puntong si Dudong, masyadong naging busy sa trabaho, dahilan para si Bibe ay tuluyan nang sumuko.

Ramdam pa rin ang tapat na pagmamahal ni Dudong sa dating nobya. Kaya naman, for the first time in history, si ‘ex’, kasali sa choices ni ‘searcher.’ Sa dulo, naramdaman nina Bibe at Dudong na baka sa isa’t-isa pa rin nila matatagpuan ang forever.

The future of OPM is bright – kitang-kita ‘yan sa mga kabataan na hindi takot ipamalas ang kanilang talento sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Isang matinding ‘prelims’ o weekly finals na naman ang naganap sa entablado. Muling umawit ang pambato ng University of Rizal System na si John Ramirez bitbit ang kanyang piyesa na “Magda.”

Itinaas pa ni Kisselle Aballos ng San Ricardo National High School ang kumpetisyon sa pagkanta n’ya ng “Gusto Ko Nang Bumitaw.” At, si Krizza Ann Ablir ng Bais City National High School, bumirit ng “The Impossible Dream.”

Bitbit ang pangarap, kumasa sa hamon ng entablado si Isaac Zamudio ng Far Eastern University, singing “Take Me Out Of The Dark.” Bibilib ka rin kay

Bulacan State University student Rizzia Alcantara na napili ang awiting “Hindi Na Nga.”

Matapos ang matinding labanan, si John ng URSM ang nakakuha ng pinakamataas na grado at malupit na standing ovation mula kina hurado Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, at Kean Cipriano.

#ItsShowtime
#ShowtimeBangBangBang
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке