Sen. Hontiveros, ibinunyag na nakalabas na umano ng bansa si Alice Guo

Описание к видео Sen. Hontiveros, ibinunyag na nakalabas na umano ng bansa si Alice Guo

Nakaalis na umano ng Pilipinas ni Alice Guo noong July 18 pa patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia, pagsiwalat ni Sen. Risa Hontiveros sa sesyon ng Senado ngayong Lunes, August 19.

“But I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo. Siya po ay pumasok ng 12:17:13 military time ng July 18, kaya ibig sabihin umalis siya ng Pilipinas sa gabi ng July 17,” ayon sa senadora.

Dagdag pa ni Hontiveros, ayon sa isa pa niyang source, tumuloy si Guo sa Singapore kung saan niya umano tinagpo ang kaniyang mga magulang kasama sina Wesley Guo at Cassandra Ong.

“The couple flew in from China on July 28 2024. Mistulang reunion sila doon kasama sina Wesley Guo at Cassandra Ong,” aniya.

Kasunod nito ay kinuwestiyon ng senadora ang mga awtoridad kung paano nakalabas si Guo ng bansa. Aniya, hindi makakalabas ng bansa si Alice Guo kung walang tumulong sa kaniya na opisyal ng pamahalaan.

“Para tayong ginisa sa sarili nating mantika,” dagdag ni Sen. Hontiveros. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке