Huling Gabi Lyrics by Juan Miguel Severo

Описание к видео Huling Gabi Lyrics by Juan Miguel Severo

Pangarap ko ang makalayo
sa pangarap ko na dinulot mo
ang matulog sa gabi nang 'di alintana ang ginaw
at 'di humihiling na ang kapiling ay ikaw

Ikaw na rin ang minsang nagbanggit
sa mga katapusang hindi mo maipipilit
Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas,
matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas
sa mga sakit na dulot ng
iyong 'di paglingon,
iyong 'di pagtanaw,
iyong 'di pagtugon?
Kung minsan pa'y
iaalay sa'yo itong gabi
at ipinapangako kong
ito na ang huli
Hindi na maghahangad
ng 'di mo maibabalik

Isang unos ang muling susuungin,
isang kasinungalingan ang yayakapin
Mamamatay ang ilang kapalit ng
isang pagkakaibigan
Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan
ng mga sakit na dulot ng
iyong 'di paglingon,
iyong 'di pagtanaw,
iyong 'di pagtugon?

Kung minsan pa'y
iaalay sa'yo itong gabi

at ipapanalangin kong
ito na ang huli
Hindi na maghahangad
ng 'di mo maibabalik

Sa mga sakit na dulot ng
iyong 'di paglingon,
iyong 'di pagtanaw,
iyong 'di pagtugon
Kung minsan pa'y
iaalay sa'yo itong gabi

at ipinapangako kong
ito na ang huli
'Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag
at itatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad

Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке