Bakit Islam Ang Siyang Tunay na Relihiyon ng Diyos 2/2 ( Tagalog )

Описание к видео Bakit Islam Ang Siyang Tunay na Relihiyon ng Diyos 2/2 ( Tagalog )

Upang malaman ang tungkol sa Islam, Mangyaring bisitahin ang site na ito:
http://www.islamhouse.com/s/10044
Upang malaman ang tungkol sa Islam, Mangyaring bisitahin ang site na ito:
http://www.islamhouse.com/s/10044
Hindi sinabi ni Hesus AS sa kanyang mga tagasunod na sambahin siya bagkus inutusan silang sumamba lamang sa Allāh
SWT. Ang Banal na Qur'ān ay nagsasaad:
"At masdan! Ang Allāh ay magsasabi: O Hesus anak ni Maria! Sinabi mo ba sa tao, 'Sambahin ako, at ang aking Ina bilang
mga diyos bukod sa Allāh' Siya ay magsasabi: 'Purihin Kayo! Kailanman ay hindi ko masasabi ang bagay ng wala akong
karapatan (na magsabi)". (Sūrah Āl-Mā'idah 5:116)
Hindi sinasamba ni Hesus AS ang kanyang sarili nang siya ay nag-alay ng pagsamba, bagkus sinasamba niya ang Allāh
SWT. Ang pangunahing panuntunang ito ay napapaloob sa pambungad na kabanata ng Banal na Qur'ān, ang Sūrah
Al-Fātihah (1:5):
"Ikaw lamang ang sinasamba namin at sa Iyo lamang kami hihingi ng tulong".
Sa ibang dako ng Panghuling Kapahayagan -- ang Banal na Qur'ān, ang Allāh SWT ay nagsabi:
"At ang inyong Panginoon ay nagsasabi: "Dumalangin kayo sa sa Akin at kayo'y Aking didinggin"
(Sūrah Ghāfir 40:60)
Mahalagang bigyan ng pansin ang pangunahing mensahe ng Islam na ang Allāh SWT at ang Kanyang mga nilikha ay
maliwanag na magkaiba sa isa't-isa. Ang Allāh SWT ay hindi maaaring maging Kanyang nilikha o kaya'y maging bahagi
nito, ni ang Kanyang mga nilikha ay maging Diyos o maging bahagi Niya.
Ito ay sadyang napakalinaw, nguni't ang pagsamba ng tao sa nilikha sa halip na ang Lumikha ay kadalasa'y batay sa
kamangmangan ng naturang konsepto. Ang paniniwala na ang diwa ng Allāh SWT ay naroroon saan mang dako, o kaya'y
ang Kanyang pagka-Diyos ay naroroon o nananatili saanman sa kanyang mga nilikha ay nagbibigay dahilan sa pagsamba
sa Allāh SWT sa pamamagitan ng Kanyang mga nilikha. Datapuwa't ang mensahe ng Islam na dinala ng mga Propeta ng
Allāh SAW ay ang pagsamba sa Allāh SWT lamang at ang pag-iwas sa pagsamba sa Kanyang mga nilalang maging
tuwiran man ito o hindi.
Sa Banal na Qur'ān, ang Allāh SWT ay maliwanag na nagsasabi:
"Tunay, Kami ay nagpadala ng Sugo sa bawa't Tao (na nag-uutos), sambahin ang Allāh at umiwas sa huwad na diyusdiyusan". (Sūrah Ān-Nahl 16:36)
Kapag tinatanong ang mga mananampalataya tungkol sa mga diyus-diyosan kung bakit sila yumuyuko sa mga idolo na
gawa ng tao, ang kadalasang sagot ay hindi sila tunay na sumasamba sa batong imahen bagkus sa Diyos na
kumakatawan sa mga ito. Sinasabi nila na ang mga batong imahen na ito ay tampulan lamang ng diwa ng Diyos at hindi ito
nangangahulugan na sila ay Diyos!
Sinuman ang tumanggap sa paniniwala na ang pagka-Diyos ng Allāh SWT ay napapaloob sa anumang Kanyang nilikha ay
napipilitang tanggapin ang pangangatuwiran ng pagsamba sa diyus-diyosan. Datapuwa't ang sinuman na nakakaunawa sa
mahalagang mensahe ng Islam at kahulugan nito ay hindi kailanman tatanggapin ang pagsamba sa diyus-diyosan kahit
gaano pa ito ipangatuwiran.
Ang pag-aangkin ng iba sa pagka-diyos sa kanilang sarili simula pa ng mga unang panahon ay kadalasa'y nakasalalay sa
maling paniniwala na ang Allāh SWT ay nananahan sa tao. Kailangan nilang igiit, ayon sa kanilang mga maling haka-haka,
na kahit ang Allāh SWT ay nananahan sa ating lahat, ang Allāh SWT ay higit na nananahan sa kanila. Kaya naman, gaya
ng kanilang pag-aangkin, dapat daw nating isuko ang ating kalooban sa kanila at sambahin sila dahil sila ay diyos sa
pagkatao o diyos na nakapisan sa loob ng tao.
ayon din, ang pagpapakilala nila sa pagka-diyos ng mga iba pagkatapos ng pagkamatay ng mga ito ay nakatatagpo ng
mayamang pastulan sa mga tumatanggap sa maling paniniwala na ang Allāh SWT ay nananahan sa tao. Ang sinumang
nakaka-unawa sa mahalagang mensahe ng Islam at sa kahulugan nito ay hindi kailanman sasang-ayon na sumamba sa
tao sa anumang kalagayan. Ang diwa ng relihiyon ng Diyos ay maliwanag ng pagtawag sa pagsamba sa Lumikha at ang
Ang Mensahe ng Islam - Tagalog - Limbagin
Ang paulit-ulit na pagbigkas nito ay kusang naghahatid sa sinuman sa ilalim ng relihiyong Islam at ang matapat na
paniniwala rito ay may katiyakan sa Paraiso. Kaya naman ang pinakahuling Propeta ng Islam ay iniulat na nagsabi: "Ang
sinuman na nagsabi: Walang ibang diyos maliban sa Allāh at namatay na pinanghahawakan ang paniniwalang yaon ay
makakapasok sa Paraiso" (iniulat ni Abu Darr at inipon ni Imam Al Bukhari at Imam Muslim).
Ito ay kinapapalooban ng pagsuko sa Allāh SWT (Ang nag-Iisang Diyos) bilang Kanyang alipin, na tumatalima sa
pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos, at ang pagtakwil sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке