'My Puhunan: Kaya Mo!' Dating tricycle driver, may-ari na ng isang farm at resort sa Pampanga ngayon

Описание к видео 'My Puhunan: Kaya Mo!' Dating tricycle driver, may-ari na ng isang farm at resort sa Pampanga ngayon

Sinimulan ni Reg Caligagan ang kaniyang farm at resort sa Porac, Pampanga nitong kasagsagan ng pandemya.

Pagbabahagi niya kay Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!", hindi biro ang gastos niya sa pagpapatayo ng kaniyang negosyo.

"Binili ko po siya Ma'am ng hulugan. So, by December (2023) matatapos na rin po siya. So, hanggang ngayon hinuhulug-hulugan ko pa rin po siya," kuwento niya.

Pero aakalain niyo ba na ang milyonaryong si Reg, iba't ibang raket ang pinasok para maitaguyod ang pag-aaral at hindi umasa sa magulang.

Minsan na siyang naging tricycle driver at barangay tanod.

"Kailangan magsumikap kasi gusto natin makamit 'yung goal natin, 'yung dream natin. So, meron po kaming binoboundary na tricycle. Ang kinikita ko po nasa P300 per day. Todo-kayod ang ginagawa ko po noon. Pagsapit naman po ng gabi, ng mga 9 p.m. po, 'yan nag-vo-volunteer naman po kami sa pag-ba-barangay tanod sa aming barangay po," ani Reg.

Dahil malaki ang pangarap sa buhay, nagsimulang magnegosyo si Reg sa pagiging online seller at doon siya nakapag-ipon para maitayo ang farm at resort na negosyo.

Ma-inspire sa kaniyang sipag at tiyaga at pagiging simple sa kabila ng kaniyang pagyaman dito sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
   • Breaking News & Live Coverage  

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  
Instagram:   / abscbnnews  

#MyPuhunan
#LatestNews
#ABSCBNNews

Комментарии

Информация по комментариям в разработке