Alice Guo, nakaalis ng Pilipinas at tumungo sa Malaysia ayon kay Sen. Risa Hontiveros

Описание к видео Alice Guo, nakaalis ng Pilipinas at tumungo sa Malaysia ayon kay Sen. Risa Hontiveros

‘SINO ANG MAY KAGAGAWAN NITO’

Nakaalis na ng Pilipinas si dismissed Bamban Mayor Alice Guo at tumungo sa Malaysia noong July 18, 2024, ayon sa impormasyong natanggap ni Senator Risa Hontiveros.

Sa plenary session ng Senado ngayong August 19, 2024, ipinakita ni Hontiveros ang kopya ng Philippine passport ni Guo bilang patunay na nakaalis si Guo sa bansa ng gabi ng July 17, 2024.

“Ayon sa aking isa pang source, tumuloy si Alice Guo sa Singapore, kung saan nagtagpo-tagpo sila ng kanyang magulang na si Lin Wen Yi at Guo JianZhong. The couple flew in from China on July 28, 2024. Mistulang reunion sila doon kasama si Wesley Guo at si Cassandra Ong,” saad ng senador.

“Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,” mariing dagdag ni Hontiveros.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке