Dating DepEd Usec Mercado, humarap sa pagdinig ng Kamara

Описание к видео Dating DepEd Usec Mercado, humarap sa pagdinig ng Kamara

Humarap si dating Education undersecretary Gloria Mercado sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Miyerkules, September 25, kaugnay sa budget utilization ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamamahala ni Vice President Sara Duterte.

Si Mercado ang itinalaga na head ng Human Resources noong August 2022 at nabigyan ng concurrent position bilang head ng Procurement Department noong February 2023.

Aniya, nagsimula umano siyang makatanggap ng buwanang envelope na may lamang P50,000 na tseke mula nang ma-appoint na pinuno ng Procurement Department. May kabuuang siyam na envelope umano ang natanggap niya sa pagitan ng February hanggang September 2023.

Lahat umano ito ay inaabot sa kanya ni Asec. Sunshine Fajarda at sinasabing galing mismo ito kay Vice Pres. Sara Duterte—bagay na nakumpirma niyang galing nga sa opisina ni noo'y secretary Duterte. #News5 l via Marianne Enriquez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке