Hunyo 30, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Описание к видео Hunyo 30, 2024 - San Lorenzo Ruiz Parish Mass Online - Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUHAY ANG DIYOS NG BUHAY, MABUHAY ANG DIYOS NG BUHAY,
AWA AT KALIGTASAN !

Ang kamatayan ay isa sa mga hindi maiiwasang malungkot na katotohanan sa ating buhay. Ito’y napakasakit lalo na kapag kinukuha nito ang mga taong napakabata pa o maganda ang kinabukasan, malakas, o mahalaga’t kailangan sa isang pamilya o sa lipunan. Sinasabi ng ating pananampalatayang ang pagdurusa at kamatayan ay hindi bahagi ng orihinal na plano ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang mga ito’y ipinakilala ng demonyo sa ating buhay nang tinukso nito ang mga unang taong sumuway sa tagubilin ng Diyos. Ang kanilang mapanirang presensiya ay lalo pang lumalakas tuwing tayo’y nagkakasala.

Ipinaaalala sa atin ng Liturhiya ng Salita ngayon na ang Diyos na ating sinasampalatayanan ay ayaw ng pagdurusa’t kamatayan sapagkat Siya ay “DIYOS NG BUHAY.” Nais Niyang lahat ng tao’y magkaroon ng buhay na sagana. Ganito ang mensahe ng Unang Pagbasa at ng Ebanghelyo. Sa ating pagdiriwang ng Eukaristiya ngayon, pasalamatan natin ang Panginoon sa mga kaloob na buhay at kalusugan ng isip at pangangatawan. Manalangin din tayong lahat ng ang mga tao’y magtamasa ng ganitong mga pagpapala.

Read weekly gospel reflections at our website at https://sanlorenzoruizparish.com/

Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish  

For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/

Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/

Комментарии

Информация по комментариям в разработке