187KM Ride Tacloban to Guiuan // Discovered the Smoothest Highway in Eastern Philippines

Описание к видео 187KM Ride Tacloban to Guiuan // Discovered the Smoothest Highway in Eastern Philippines

Sunday October 27 ng mapag planuhan naming pumunta sa eastern samar sa sulangan church.

Kasama si Alroi Abrantes, nag ride kami gamit ang Yamaha Aerox 155 at ang Yamaha FZ papunta sa pinaka dulong barangay ng Eastern Samar. Umabot ng mahigit 187 kilometers ang nilakbay namin mula sa Sta. Fe Leyte via Tacloban National Highway patawid ng Samar Island.

Nadaanan namin ang mga naggagandahang atraksyon na talaga namang dinarayo ng karamihan. Nadaanan din namin ang mga nag gagandahang kalsada, mga kalsadang hina hanaphanap ng mga kaibigan nating riders.

Sa Eastern Samar namin na experience ang iilan sa pinaka swabeng kalsada mayroon dito sa Pilipinas. Talgang mapapa banking ka talaga pag naka daan ka sa mga nag gagandahang kurbada.

Malapit na kami sa Bayan ng Guiuan ng Bumuhos ang Malakas na ulan. Buti nalang at me mga dala kaming mga panangga sa Ulan at naipagpatuloy namin ang aming biyahe papunta sa sulangan church.

Matapos ang halos 4 hours na travel mula sa Tacloban City
ay narating namin ang Barangay Sulangan sa Guiuan Eastern Samar. Dito makikita ang Sulangan Church ang Pinaka dinarayong simbahan dito sa Probinsya ng Eastern Samar.

Ito ang mga bayan na nadaanan Namin mula sa Tacloban City

Basey Samar,
Marabut Samar,
Lawaan Eastern Samar,
Balangiga Eastern Samar,
Giporlos Eastern Samar,
Quinapondan Eastern Samar,
Mercedes Eastern Samar,
Salcedo Eastern Samar,
Guiuan Eastern, Samar

Mahigit 200 Pesos naman
ang nagastos namin sa one way na gasolina

Nagstop over din kami sa Pinalangga Beach Resort sa Marabut Samar para mag almusal.

#XploringEastVisayas #TACxGUI #ACP

Комментарии

Информация по комментариям в разработке