It’s Showtime | July 5, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime | July 5, 2024 | Full Episode

Happy Friday, madlang people! Ang ‘Showtime,’ may hatid na good vibes, tawa at entertainment for all. Sasamahan namin kayong magpahinga. Kasama rin ang hit-maker na si Maki, na ang regalo sa inyo ay isang matamis na harana.

Napag-usapan ang bagong music video ni Maki kasama si BINI Maloi. Uy, may tatlong beki na gustong maging BINI! Alamin ang nakakatawang alyas nina MC, Lassy, at Negi kung sila’y magiging members ng BINI.

May isa pang bisita – si Kapamilya actress Kaila Estrada na may dalang good news sa kanyang fans. At dahil nand’yan si Kaila, inasar nina MC, Lassy at Negi ang isa’t-isa kung ano’ng klaseng ‘Kaila’ sila.

‘Showtime’ kids ang bahala sa acting, hosts naman ang manghuhula at mamimigay ng blessings – dito sa “Showing Bulilit.”

uwu Si Vhong Navarro, may nakakatawang reaksyon nang sabayan nila ni Vice Ganda ang isang Gen Z trend. Pagdating naman sa hulaan, dapat ang ang sagot ay walang labis at walang kulang, dapat sakto lang. Pero minsan kahit alam mo na ang sagot, sa pasaway na buzzer ka naman mananagot. Kaya si Meme, may aliw na hirit tungkol sa mga nag-aayos ng buzzers sa studio.

Ang pag-ibig, minsan madaya. May isang mang-iiwan at isang magpaparaya. Akala ni Naya, tulad niya, handa rin ang nobyong si Arnold na ipaglaban ang kanilang pag-ibig gaano man kalawak ang distansya. Natakot man no’ng una, inunawa ni Naya ang desisyon ni Arnold na lumuwas ng Maynila upang magtrabaho.

Pero malayo na nga sa isa’t-isa at sa kakarampot na oras na lang babawi, si Arnold, nakuha pang manlamig. Nawalan ng oras sa nobya dahil sa pagiging ‘adik’ sa cell phone, lalo na sa mobile games, dahilan para tuluyang bumitaw si Naya.

Alamin ang buong kwento sa “EXpecially For You.”

Dalawang estudyante, ibinandera ang kani-kanilang paaralan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Bibilib ka sa husay, sipag, at kabutihan ng puso ng responsible brother na si Jared Isaguirre. “Kulang Ako Kung Wala Ka” ang napiling piyesa ng mag-aaral ng Honorato Guzman Baquiran College. Pansin ng mga hurado ang kaba ni Jared habang nagpe-perform. Isa lang ang solusyon na naisip ni Kim Chiu para mawala ang kaba ni Jared – titigan ang mala-manikang ganda ni Lassy. ‘Yun nga lang, ano’ng klaseng manika ba?

Sumabak din sa entablado ang pambato ng Cebu Normal University – si Mary Khem Cabagte na umawit ng “Ikaw Ay Ako.” Si Mary Khem ang nakabingwit ng golden mikropono, at pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFamily
#ShowtimeBeGoodJuly

Комментарии

Информация по комментариям в разработке