KAAGAPAY (Pastor's Appreciation Song) PapuRico Classics

Описание к видео KAAGAPAY (Pastor's Appreciation Song) PapuRico Classics

Provided to YouTube by TBBC Records
© 2021 TBBC Records
PapuRico Classics - PapuRico ™
Released on: October 3, 2022
Main Artist: Rico Angelo S. Castro
Author: Rico Angelo S. Castro
Performed by: Rico Angelo S. Castro

KAAGAPAY
Anong ganda ng lakad ng isang mangangaral
Kung dala nito’y ebanghelyo ng kapayapaan
Mensahe ng kaligtasa’y aking natanggap
Mula nang sa aki’y may lumingap…

Tunay ngang si Hesus ang nag-iisang daan
Tungo sa kaligtasa’t buhay na walang hanggan
Ngunit noo’y nakita ko’ng katotohanan
Sa tulong ng isang mangangaral…

Refrain:
Habang nabubuhay ako’y magpapasalamat
Sa Diyos na Siyang nagkaloob ng Pastor sa’ting lahat!

Koro:
Siya ay lingcod ng Diyos, siya’y alipin ni Hesus
Nagsuko ng buhay at ito’y inialay
Sa pangangaral ng banghelyo na may buhay.
Siya ay hinirang na tunay upang sa ati’y gumabay
At sa kasalanan, tayo ay pawalay
Sa kalooban ng Diyos ay maging kaagapay…

Ayon sa puso ng Diyos Siya nga ay nagkaloob
Ng mga Pastor na mangunguna sa paglilingkod
Sa Iglesya’y hinirang, piniling manguna
Upang tayo’y mabigyang unawa…

Ngayon sa awit ko ang nais ko’y parangalan
Ang Pastor na kaagapay ko magmula noon pa man
Pag-ibig na nararapat sa Kanya’y ilaan;
Nawa’y manatili nang kailan man…
(Refrain)
(Koro)

Koda:
Siya ay hinirang na tunay upang sa ati’y gumabay
At sa kasalanan, tayo ay pawalay
Sa kalooban ng Diyos ay maging kaagapay…
Sa kalooban ng Diyos siya’y ating KAAGAPAY!!!

Комментарии

Информация по комментариям в разработке