It’s Showtime June 24, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime June 24, 2024 | Full Episode

Nakapag-recharge ba ang lahat nitong weekend? Kung bitin pa ang pahinga, let the ‘Showtime’ family energize you with good vibes! I-extend na lang ang hangout session with Neocolours na hatid ang isang chill performance ng mga kantang minahal natin noong ‘90s!

Tuloy lang ang awit ng buhay, madlang people! Magbago man ang hugis ng puso ni crush o ni ex, ang love ng ‘Showtime’ family for you, hindi magbabago.

Nakakadala ang aksyon at drama featuring the ‘Showtime’ bibo kids – Argus, Imogen, Kulot, Jaze, at Kelsey – na walang inaatrasan pagdating sa aktingan. Award-winning din ang pamamahagi ni Ion Perez ng blessings sa mga ‘manong sorbetero’ na ang binigay sukli ay matatamis nilang ngiti.

May mga espesyal na bisita sa “Showing Bulilit.” Si ‘Sadness’ naki-hula? Ay, si Nicki Morena pala! Ang komedyanteng si Tetay, dinala rin si Queen of All Media, Kris Aquino, sa studio. Kasali rin sa laro si Lorraine Galvez ng Showtime Online U.

Si Ryan Bang, napansin ang kadaldalan ni Tetay. Distracted tuloy ang ating ‘oppa’ na muntik nang maniwala sa maling sagot na binulong ng kalaban na si Ogie Alcasid. Pero mukhang pumabor ang swerte kay Tetay dahil siya at ang kapares na si Jhong Hilario ang umabante sa jackpot round.

Ang relasyon na binuo ng dalawang taong nagmamahalan, sinira ng iba dahil sa ingay, panghuhusga, at pangingialam. ‘Yan ang kwento nina Andy at Joanna sa “EXpecially For You.”

Naalala n’yo ba ang inyong moments of kilig pagtapos ng eskwela? O ‘yung spark ‘pag katabi mo sa jeep si crush o jowa? Matamis ang campus romance nina Andy at Joanna. Walang matinding pagtatalo. Masaya lang. Sa kabila ng pagiging harsh ng mga kaibigan at pamilya ni Andy kay Joanna dahil sa ‘image’ n’ya. No’ng una’y minabuti nilang huwag pansinin ang ingay sa paligid. Pero, si Andy, naipit sa gitna, nakipaghiwalay kay Joanna para huwag na itong masaktan pa.

Malungkot man ang naging hiwalayan, panahon na para humanap ng bagong kaligayahan.

Entablado ay nagningning para sa mga estudyanteng palaban sa singing. Panoorin ang latest episode ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nabilangan man, hindi nagpatinag ang University of Baguio student na si Gwyneth Payang na kumanta ng “Wrecking Ball.”

Kumasa rin sa hamon ng tanghalan si Lady Ramento ng Polytechnic University of the Philippines na pinahanga ang mga hurado sa pagkanta n’ya ng “Purple Rain.” Matapos ang laban, si Lady ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, at Ogie Alcasid.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке