🏍️ THE SCENIC VIEW OF SITIO BAAG VIEWDECK IN SAN JOSE, TARLAC | LIMIAC PARK | MONASTERIO DE TARLAC

Описание к видео 🏍️ THE SCENIC VIEW OF SITIO BAAG VIEWDECK IN SAN JOSE, TARLAC | LIMIAC PARK | MONASTERIO DE TARLAC

🏍️ THE SCENIC VIEW OF SITIO BAAG VIEWDECK IN SAN JOSE, TARLAC | LIMIAC PARK RESORT IN SAN JOSE, TARLAC | MONASTERIO DE TARLAC ECO-PARK IN SAN JOSE, TARLAC | SAN JOSE TARLAC TOURIST SPOTS

May bagong pasyalan na naman tayong nadiscover. Tara, sama ka sa aming biyahe sa San Jose, Tarlac!

Isa sa mga bagong pasyalan ngayon sa San Jose, Tarlac ang ipinagmamalaking Sitio Baag Viewdeck. Atin ding papasyalan ang dinarayo ngayong Limiac Park at ang Monasterio de Tarlac.

Sisimulan natin ang videong ito dito sa Welcome Arc ng Tarlac dito sa San Clemente. Ito ang magsisilbing ruta natin patungo sa San Jose, Tarlac via San Clemente - Camiling – Mayantoc Roads. Ito rin ang daan na ating binagtas noong mga nakaraang buwan.

TRIVIA ABOUT CAMILING:
Ang Bayan ng Camiling, ay isang 1st class municipality sa lalawigan ng Tarlac. Isa ito sa pinakamabilis na lumalagong bayan ng Tarlac pagdating sa kita at ekonomiya. Isa rin ito sa pinakamayaman pagdating sa cultural heritage sa buong probinsya. Tinaguriang "Old Lady in the Northwestern province of Tarlac" ang bayan, dahil isa ito sa mga pinakamatandang munisipalidad na nilikha ng pamahalaang Espanyol sa ilalim ng lalawigan ng Pangasinan kung saan kasama noon ang dating mga bayan ng Mayantoc, San Clemente, at Santa Ignacia.

TRIVIA ABOUT MAYANTOC:
Ang Mayantocay isang 3rd class municipality sa lalawigan ng Tarlac. Ito ay matatagpuan sa paanan ng Zambales Mountains kung saan nagmula ang Camiling River at nagbibigay ng maraming magagandang picnic at swimming site, na ginagawa itong kilala bilang summer capital ng probinsya. Ang pinakakaraniwang daan patungo sa Mayantoc ay nagsisimula sa "Crossing ng Mayantoc", sa national highway patungong Camiling, Tarlac pagkatapos lamang ng Tarlac College of Agriculture (ngayon ay Tarlac Agricultural University) campus at dito tayo dumaan ngayon.

Pagkatapos ng ilang kilometrong biyahe ay mararating na natin ang welcome arc ng San Jose, Tarlac.

Ito ang Sitio Baag Viewdeck. Tanaw mula rito ang panoramic view ng Tarlac, Zambales at Pampanga. Ang 360 view ng mga naggagandahang mga tanawin mula sa viewdeck na ito ang siyang pupukaw sa mata ng mga turistang pumupunta rito.

Sa araw na ito ay dinayo ito ng napakaraming turista na pinangunahan ng iba’t ibang riders’ group mula sa iba’t ibang lugar. Nabigyan rin tayo ng pagkakataon para makakilala ng ilang sa ating mga tagahanga rito gaya na lamang nito.

Presko ang lugar. Masarap sa mata ang paligid. Aabot sa mismong viewdeck ang mga sasakyan lalo na ang mga motorsiklo. Sa taas ay may mga nagtitinda na rin ng mga kakanin gaya ng donut at iba pa. May CR din sila dito pero sa kasamaang palad ay sira ito nang binisita namin.

Matapos naming matunghayan nag 360 scenic view ng lugar na ito ay bumalik na kami sa aming biyahe patungo sa Monasterio de Tarlac. Dumaan lang kami dito para magpahinga saglit at puntahan ang Eco-park na hindi namin nadalaw noong nakaraang pagpunta namin dito. Ang video nito ay mapapanood rin sa mga uploads natin dito sa Youtube.

Pagkarating namin sa Eco-park ay agad kaming nagbayad ng environmental fee na 5 pesos per head.

Dito sa park na ito ay ating makikita ang ilang mga maaaring pagpahingahan gaya ng duyan na ito at ang giant pugad na ito. Maganda ang tanawin dito. Tahimik, banal at nakakarelax ng isipan.

Ang Monasterio de Tarlac ay isang Katolikong monasteryo sa tuktok ng Mount Resurrection, bahagi ng Zambales Mountain Range dito sa Luzon. Ito ay bahagi ng Mount Resurrection Eco Park sa Barangay Lubigan, San José, Tarlac. Naglalaman ito ng relic na pinaniniwalaang fragment o bahagi ng True Cross of Jesus.

Ito ay napaliligiran ng kalikasan na may natural at sariwang hangin na nanggagaling sa mga burol at bundok. Ang Monasterio de Tarlac ay may 30-feet na napakalaking estatwa ni Hesukristo o ang Statue of The Risen Christ.

Ang Limiac Park ay isang outdoor themed park at resort na matatagpuan sa bayan ng San Jose, Tarlac. Ito ang trending na pasyalan ngayon sa bayang ito dahil na rin sa mga instagrammable na mga backdrops o mga estatwa ng ilang mga dinosaurs, mga replica ng easter island stones, gorilla at iba pa.

Hanggang dito na lang ang videong ito. Ito po ang inyong Sirpogi ng Elyu na nagsasabing Earn, travel and chill. Hanggang sa mga susunod nating paglalakbay…. Paalam!

TRACK IN THIS VIDEO:
https://inaudio.org/
https://inaudio.org/track/black-heart...
https://inaudio.org/track/let-me-know...
https://inaudio.org/track/majestic-vi...

RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over recording)
✅DJI Mini SE Drone
✅SJ Cam C200 Action Cam
✅SJ Cam 4000 Air Wifi Action Cam
✅Telesin Helmet Motorcycle Bracket
✅Xiaokoa Lavelier Microphones
✅Yamaha Aerox 155
✅Motowolf CP Holder/Bracket
✅Evo Helmets

#SirpogiElyu

FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
✅EMAIL: [email protected]
✅TEXT/CALL: +639102820549
✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Комментарии

Информация по комментариям в разработке