It’s Showtime August 6, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 6, 2024 | Full Episode

World-class performance ang bumati sa madlang people ngayong Tuesday, August 6, matapos na mag-sample ang real-life musical power couple na sina Lara Maigue and Gian Magdangal ng kanilang “greatest duets” sa entablado ng It’s Showtime.

Ito ay patikim lamang nila para sa second installment ng kanilang “The Greatest Duets” live concert series na gaganapin sa August 30, kung saan mas ipapamalas nila ang kanilang husay sa pag-awit ng mga kanta hango sa musical films at popular movie theme songs.

Throwback kung throwback naman ang peg ng “Showing Bulilit” dahil sa mga itinampok na movies at series sa unang round ng laro. Para sa episode na ito, magkakakampi sina Kim Chiu at Jackie Gonzaga, Darren Espanto at Lorraine Galvez, Vhong Navarro at Teddy Corpuz, MC at Cianne Dominguez, Jugs Jugueta at AC Soriano, at Jhong Hilario, Ryan Bang, at Jannah Chua. Sina Lorraine, AC, at Jannah ay hosts ng Showtime Online U.

Isa na namang lovestory na nagwakas ang napakinggan at nabigyan ng panibagong simula sa “Expecially For You” sa episode ng It’s Showtime ngayong araw. Tampok ang kuwento ng dating magkasinatahan na sina Gena at Maku, tayo ay hinandugan ni Maria Osabel ng kanyang makabagbag-damdamin na rendisyon ng awiting “Forever Blue” ng dating singer na si Cacai Velasquez, at binigyan ng kasiyahan at makabuluhang love advice ng mga host na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Darren Espanto, at Amy Perez.

Ayon sa kuwento ng mag-ex, sila ay nagkaugnayan dahil best friend ni Maku ang identical twin sister ni Gena. Sa kabila nito, hindi sila personal na nagkakilala dahil magkaiba si Gena at ang kanyang kambal ng circle of friends. First time silang nagkatagpo sa isang bar kung saan nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan.

Of course, bukod sa paghimay sa kuwento nila at pagpapatawa sa mga manonood, nagbahagi din ng kanilang sentimyento at payo ang mga host. Bilang kuya, shinare ni Darren kung ano ang magiging reaksyon niya at maipapayo sa nakababatang kapatid na si Lynelle kapag sakaling mangyari rin na manligaw kay Lynelle ang kanyang best friend.

Samantala, nagbalik-tanaw naman si Tiyang Amy kanyang ginawa matapos na mag-fail ang una niyang kasal. Ayon sa kanya, minanifest at ipinanalangin niya sa Diyos ang susunod na lalaking ibig niyang makasama habang buhay, at ipinagkaloob sa kanya ang kasalukuyang asawa na si Carlo Castillo.

Pinaalala naman ni Vice na okay lang na maging mas mapili sa taong makakasama natin sa buhay habang tayo’y tumatanda, at mas kilalanin pa natin ang ating sarili upang mas malaman kung anong uri ng pag-ibig at tao ang deserve natin. In short, huwag magmamadali pagdating sa pag-ibig at laging alalahanin ang mga aral na napulot mula sa nakaraan.

Out of the three searchees for the day na nagtagisan ng galing sa pagsagot sa mga katanungan ni Gena, si Jaymar na isang call center agent mula sa Cainta, Rizal ang nakakuha ng dalawang green flags at siyang makaka-date ni Gena.

Nagtapos ang segment na pinaalalalahan ni Vice si Maku na nagkaroon man siya ng mga pagkakamali noon, may pag-asa pa rin siya na maging mas mabuting lalaki.

Dalawang mag-aaral muli mula sa magkaibang paaralan sa Pilipinas ang nagpamalas ng kanilang husay sa pag-awit sa entablado ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.

Unang sumalang si Ruby Dulay, isang Grade 11 student mula sa St. John’s Cathedral School Incorporated sa Dagupan City, Pangasinan na nangangarap maging MAPEH teacher someday.

Naging mahusay pa rin ang performance niya ng “Naririnig Mo Ba” ni Morissette sa kabila ng hindi magandang kondisyong ng kanyang katawan at boses, na mas nagpabilib kay hurado Marco Sison.

Ang ikalawa namang tumuntong sa stage ay si Allyana Nicole Magao na isa ring Grade 11 student sa Parañaque National High School – Main. Hindi man tipikal na contest piece ang napili niyang kanta na “A Thousand Years” ni Christina Perri, ngunit ang kanyang style sa pag-awit at ginawang improvisation ay umani ng puri mula kay huardo Nonoy Zuniga.

Kapwa man nila napamangha ang mga hurado, subalit si Allyana pa rin ang nanaig sa bandang huli. Nagkamit siya ng total score na 93.7% mula sa mga hurado, kaya naman pasok na siya sa premilinary round ng kompetisyon, habang si Ruby naman ay nakakuha ng 93%.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке