Paano gumawa ng Burong Tilapia

Описание к видео Paano gumawa ng Burong Tilapia

Simpleng paraan paano makagawa ng manyaman na burong isda!
Kulay puti ang sa kapampangan na buro samantalang pink naman sa Nueva Ecija at Bulacan. Masarap na kapartner ng nilagang talong, okra, talbos at mustasa. Sabayan mo na din ng Pritong isda!


Ingredients:

Isda na gusto ninyo halimbawa ay tilapia, bangus, gurami o kung ano ang gusto ninyo
Asin
Kanin

Kakailanganin mo ng garapon.

1) Linisin mabuti ang isda. Siguraduhin na walang matitirang dugo at linisin ang mga suluk sulok ng isda. Kapag di nalinis mabuti, nagiging sanhi ito ng pagkabulok ng buro o pagbaho.

2) Asinan ang isda pagkalinis at pagkatpos itong hiwain.

3) Ihanda ang garapon, kanin, isda at asin.

4) Ilagay ang kanin, pipiin tapos budburan ng asin. Isunod ang isda. Gawin paulit ulit hanggang mapuno ang garapon.

5) Takpan at ilagay sa mainit na lugar tulad ng ilalim.ng lababo o kabinet para maayos ang pagkakaburo. nakakaapekto ang temperatura ng paligid sa tamang pagbuburo. Sa malamig na lugar, nagkaka amag ang buro.

5) Haluin pagkatapos ng 3 araw.

6) Mas matagal ang buro mas mainam. pero 5-7 araw simula ng ihanda ito pwedw na itong igisa o kaya mas matagal pa kung nanaisin ninyo.

#burongisda #manyaman #lutongpinoy

Комментарии

Информация по комментариям в разработке