🥊May ANGAS din PALA! Naoya Inoue, SINAKOP ang AMERIKA! US DEBUT ng The MONSTER, UMAYAW ang KALABAN!

Описание к видео 🥊May ANGAS din PALA! Naoya Inoue, SINAKOP ang AMERIKA! US DEBUT ng The MONSTER, UMAYAW ang KALABAN!

NAGYABANG si NAOYA INOUE sa AMERIKA! KALABAN, TAKBO ng TAKBO!

Estados Unidos – ang bansang pangarap na marating ng mga boksingerong nais gumawa ng pangalan sa mundo ng boxing.
At kung suswertehin kang mabigyan ng pagkakataon, kailangan mong itaya ang lahat kasama na ang pamatot panabla para makapagresulta ng panalo na tatatak sa isipan ng mga boxing aficionados.
Sa videong ito mga parekoiz – babalikan natin ang unang laban ni Naoya Inoue sa America at kayo na ang humusga kung nababagay ba talaga sa kanya ang alyas na The Monster!


Matapos makuha ang WBO World Super Flyweight belt kontra sa beteranong si Omar Andres Narvaez noong 2014 – unti unti ng nakikilala ang pangalang Naoya Inoue sa larangan ng boxing.

Marami ang nagulat sa ipinakita ng nooy 21 anyos pa lamang na Japanes fighter ng pasukuin ang 39 anyos na si Narvaez sa loob lamang ng 2 rounds.

Makaraan ang panalo, 5 boksingero pa ang dumayo sa Japan at nagtangkang umagaw sa iniingatang titulo ni Inoue ngunit ni-isa sa kanila ay walang nagtagumpay dahil madali lang silang iniligpit ni Naoya.

At sa ika-anim na title defense sa WBO belt – sa unang pagkakataon – lalaban sa labas ng Japan ang batang kampeon.

Sabado – ika 9 ng Setyembre taong 2017
Naikasa ang digmaan sa pagitan nina Naoya Inoue at Antonio Nieves sa StubHub Center in California.
Marami ang nag-abang sa ipapakita ng WBO champ para malaman kung paano ba lumaban ang isang halimaw.
Todo suporta din sa kanilang kababayan ang mga Japanese boxing fans na nanood sa ringside.

Bago ang laban
Si Antonio Nieves na kagagaling lang sa split-decision lost ay may ring record na 17 victories including 9 wins by knockout, 1 loss and with 2 draws.
Sa kabilang korner naman, bukod sa WBO Super Flyweight title, itataya din ni Naoya inoue ang kanyang undefeated record na 13 wins with 11 knokouts.

Tara mga parekoiz at balikan natin ang unang laban ni Naoya Inoue sa Amerika kontra Kay Antonio Nieves.

Round 1 –
Parang makinilya ang kaliwang kamao ni Inoue sa pagbitaw ng matutulis na jab.
Kahit paano, sumasagot pa din ng mga kombo si Nieves
Kaso pag gumanti itong si Inoue – Naliligo ng suntok itong si Nieves.
Total dominanting 1 round para kay Nayoa.

Round 2
Mukhang nagising na si Nieves mula sa previous round kayat bumitaw at nakapagpatama ng mga kombo
Mas angat ang bilis at accuracy ng mga itinatapon ni Inoue sa bodega.
Pumapalag din ang kalibre ni Nieves.
Unti-unti ng tinatrabaho ni Inoue ang bread basket ng kalaban.
Final 17 seconds Sapul sa bodega at panga - hilo si Nieves.
Kaso nalito si Inoue sa last 10 seconds warning – nakaligtas tuloy ang kalaban.

Round 3 –
Patuloy ang atake ng Japanese boxing superstar.
Sa dami ng a ng mga ibinabato at ipinapatama ni Inoue – parang bumababa na ng husto ang kumpyansa ni Nieves.
Kahit paano e bumubitaw pa din si Nieves kaya lang sandamakmak ang sinasalo niyang tama mula sa kampeon.
Pumuputok na ang arsenal ni Inoue sa kabilang banda salag na lang ang inatupag ni Nieves.



Round 4
Sumubok pa din ng tyansa itong si Nieves.
Patuloy pa din ang pagbato ni Inoue ng accurate jabs.

Jabs sa bodega – jabs sa mukha.
Tyume-tyempo ng counter si Nieves kaso inaabot din siya ng kamao ni Inoue.

Tina-target nani Inoue ang bodega ng kalaban.
Final seconds ng round – buhay pa din determinasyon ni Nieves.

Round 5 -
Mainit ang panimula ng mga kombo ni Inoue.
Pero hindi pa din magpatinag nitong si Nieves.
Kaso pag nakokorner sa lubid – walang ng magawa si Nieves.
Ang ganda ng pinatamang kaliwa ni Inoue sa bodega kayat napaluhod si Nieves.

Ilang lumalagatok na suntok pa ang pinatama ni Inoue pero naka-survive pa din ang kalaban.

Round 6
Puso na lang ang pina-iiral ni Nieves.
Wala ng saysay pang lumaban kung ganito ang sitwasyon dahil atras at salag na lang ang inatupag ni Nieves.

Halfway thru the round – nag-angas na si Naoya Inoue wala ng sagot si Nieves at dahil one-sided na ang laban.

Nakababa na nga mga kamay ni Inoue bilang pain habang hinahabol si Nieves kaso alaws na.

After the bell sa end ng round 6 – umakyat na ang trainer ni Nieves para isuko ang kanilang alaga.

Ang resulta panalo si Inoue via 6th round referee technical decision sa kanyang unang laban sa Amerika


Ano ang masasabi nyo mga parekoiz, I koment lang ang inyong opinion.

#sportsmanda
#naoyainoue
#themons

Комментарии

Информация по комментариям в разработке