Pagkikita ng Hari ng Tondo at Reyna ng Bulakan

Описание к видео Pagkikita ng Hari ng Tondo at Reyna ng Bulakan

Sa bisperas ng Banal na Pagtatalaga ng Simbahan at Altar ng Parokya, muling pinagtagpi ang kapatiran ng Bulakan at Tondo bilang napapaloob ang ating parokya bilang Visita ng Tondo, higit apat na siglo na ang nakalilipas.
Mainit na tinanggap ng piling mga mananampalataya ng Bulakan, Bulacan ang pagbisita ng orihinal na imahe ng Sto. Niño ng Tondo, bitbit ng piling mga delegado mula sa kanilang arkidiyosesis.

Nagsagawa ng maliit na parada ng imahe mula sa Tabang, Guiguinto hanggang sa simbahan kung saan sinalubong ito ng orihinal na imahe ng Nuestra Señora de la Asunción. Nag-alay ng Banal na Misa pagkatapos kung saan iginawad ang replikang imahe na iluluklok sa itaas ng retablo mayor.

#MadreYHijo
#VivaAsuncion
#IugnayNatin
#DSPNSDLA

Комментарии

Информация по комментариям в разработке