Mhot - 24 Bars Mark Beats Challenge

Описание к видео Mhot - 24 Bars Mark Beats Challenge

Madalas gumugulo ang isip pag kinalikot na ng sobra
pero bawal ang pikon pag sa misyon ay nakatoka
Higitan ang liriko ng bawat panibagong obra
Kalaban ko lang sarili ko parang Mason at Kosa

Kaya eto, patikim.. binahagi ko na tila
mahawigang pananim, himayin mo kada linya
Para sa mga hiling na baliktaran daw kung pwede
Kaya tong bente-kwatro, nilagyan ng kwatro-bente

Walang gimik na patutsada sa mga titik at tugma
Tipong nakatitig lang sa paligid at walang hilig kumuda
ngunit may naka-ipit sa bulsang pag hinithit, alam mo na
Sa madaling salita'y tahimik lang pero may ibubuga

Walang balak na umayaw di man tanaw kung papasaan
Habang yung iba, di makagalaw tunganga sa kaka-abang
Panay ang mga kantsaw ng katamaran, asa nalang
kasi imbis "kayod-kalabaw", mas uso na daw yung "baka naman"

Sige, seryoso muna tayo
Sa mga di sumang-ayon saking husay, walang kaso

Anong patunay pa bang dapat ibigay sa tao
Kung sa daming tagumpay, hinihintay nalang matalo

Hindi mo kilala kung sino ang taos puso
kasi pag sumikat ka, mahirap magpakasiguro
Sa liwanag mong dala, may mga sasakit ang ulo't
nasisilaw lang pala yung akala mong saludo

---

Tarya - Mhot (Official Lyric Video)
   • Mhot - Tarya (Visualizer) [prod. by E...  

Pansamantala - Mhot ft. K-Ram (Official Lyric Video)
   • Mhot - Pansamantala feat. K-Ram (Offi...  

Written and Performed by:

Mhot -
  / mhot23  
  / mhotivatedofficial  
  / mhotivated  
  / thomaslynmuel  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке