Tuguegarao, patuloy ang pagtaas ng baha; mga palayan nalubog | ABS CBN News

Описание к видео Tuguegarao, patuloy ang pagtaas ng baha; mga palayan nalubog | ABS CBN News

Patuloy ang pag-monitor ng mga awtoridad sa pagtaas ng tubig sa lungsod ng Tuguegarao bunsod ng patuloy na pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam dahil sa bagyong Kristine, ayon kay Mayor Maila Ting-que.

Inabot ng mataas na pagbaha ang ilan sa kanilang barangay kabilang na ang Annafunan East, Annafunan West, Atulayan Norte, Atulayan Sur, Caritan Norte, Catapatan, Centro 10, Centro 11, Centro 12, Linao Norte, Linao East, at Linao West.

“Kami ang catch basin ng upper municipalities at surrounded kami by two bodies of water, ang Pinacanauan River at Cagayan river kaya lalo pang tumataas ang tubig,” ani Ting-que.

Ayon sa alkalde, wala namang naiulat na casualties sa kanilang lugar.

Samantala, lubhang apektado rin ang mga magsasaka dahil lubog sa baha ang mga palayan at mahihirapang makabawi sa mga ginastos para sa paparating na planting season.

“Malapit na ang planting season at may bayad ang gasolina ng mga tractors para sa pag-aarado. Sa amin sa Tuguegarao, subsidized namin sila pero hindi lahat kinakayang i-subsidize,” saad ng alkalde.

“We’re trying to figure out kung ano ang pwedeng ibigay, whether binhi or cash assistance para sa kanila,” dagdag pa niya.

Sinisimulan na rin tingnan ng LGU ang pagbibigay ng mga assistance sa mga apektadong residente kung humupa na ang tubig sa lungsod ng Tuguegarao. Larriezel Morada, ABS-CBN News intern

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
   • ABS-CBN News  

For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
   • The latest news and analysis from ABS...  

For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
   • News Digital Raw Cuts  

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC:
http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  

#Exclusive
#LatestNews
#ABSCBNNews

Комментарии

Информация по комментариям в разработке